Showing posts with label kwentong pambahay. Show all posts
Showing posts with label kwentong pambahay. Show all posts

Tuesday, December 10, 2013

Rakista

Hindi kame mga headbangers, ganyan lang talaga ang itsura namin pagkatapos maligo at mag-patuyo ng buhok. Aba, sa panahon ngayon kelangan tuyong-tuyo ang buhok pagkatapos maligo at bago lumabas ng banyo mahirap ng mapasukan ng lamig lalo na sa panahon ngayon na pagkalamig-lamig. Meron naman kameng heater sa bahay pero me temang malamig ang temperatura sa loob. Buti nalang dependable ang aking hair dryer na babyliss.
like mother, like daughter --- ayaw nya din magpagupit
Sabi ni Bibingclara, " mama, ayokong magpagupit kasi nagpapahaba ako ng buhok gagayahin ko si rapunzel " hahaha ang sabi ko naman " ako, anak ayoko magpagupit kasi wala akong pagbayad sa parlor " nyeee!

Saturday, April 13, 2013

Home sweet home

Enfin! ( Finally ) home sweet home! pagkatapos ng sangkatutak na kamalasan ( bad luck ) abay nakauwi rin kame. From the last day of our stay in the Philippines, merong eksenang nangyari. Then, nung kame ay uuwi na papunta sa Airport naghanapan pa ng pantalon kasi na missed place ang one and only pantalong dala ni Claudebiko ( halerrr it's impossible na umuwi sya ng hubad hehehe este i mean ng naka-short dahil baka manigas sya abay nag i-isnow ata sa aming babalikang bansa ). All in all, nahanap naman ang pantalon na naglakwatsa muna bago kame natungo sa aming patutunguhan. Good news sa Airline na aming sinakyan, dahil hindi nakuha ang ni-reserve ( thru internet ) naming kiddie meal two days in advance! Bravo, Cathay Pacific para sa mga kiddie voyagers! Nakalapag kame ng maayos sa Pransya at nakasakay ng shuttle bus papuntang Paris. Ang naplanong pagsundo sa amin ng katrabaho ni Claudebiko ay nabulilyaso sapagkat siya ay nasa malayong lugar ang solusyon? kumuha ng T-A-X-I. Ang pagbaba ng mga bagahe sa bus ay nakaka-lurky dahil nakita ko kung pano nila balibagin at pagulungin ang mga maleta. No doubt, me natapon sa loob ng aking bagahe dahil sa labas palang me mantika na ( nung una ang akala ko grasa mula sa ilalim ng bus ) hindi ko pa naisip na ito ay yung Bagoong na aking dinala oh my goodness, dahil sa katakawan ko at sa pag-iisip ng pagkain ng kare-kare talagang isinama ko ito sa bagahe kahit na alam kong risky sapagkat ang aking mga maletang dala ay puro hiram mula sa mga kaibigan. Di pa nagtatapos ang lahat ng yan, dahil natapon din ( ng konti ) yung efficascent oil ( well-wrapped ito mula pa sa Watson ) na pang-hilot ko ke Claudebiko pag sya ay ni-rarayuma hahaha. Well, that's life! lesson learned: Wag manghihiram ng suitcasespara pag me trahedya magandang sisihin lamang ang sarili. Pagkatapos maibaba ang mga bagahe, pahirapang kumuha ng taxi ni re-reject kame kasi ba naman ang lapit lang in five minutes nasa building na namin kame buti nalang mabait si mamang taxi na mala-FX ang sasakyan fit lahat ng aming bagahe at kame ay inihatid ang problema? wala kameng pambayad ng taxi hehehe dahil generous ako wala akong natirang euro sa wallet ( ehem dahil pinamigay ko lahat ) though pede naman card ang ipambayad sa taxi kaso nga lang maliit na halaga ang aming bill so nag-withdraw muna at nabayaran si mamang Taxi ng dosé yap twelve lang ang mura noh?
 ang mga nahiram na suitcases ( you know who you are salamat sa pag-intindi promise di na mauulit hehehe )
Pagbaba ng taxi, dyaraaaannnn walang elevator ito ay out of order mula pa nung araw na kame ay bumyahe imagine ito ay en panne mula pa nung feb. 28 halerrrr. Buti nalang merong naka in-charge na mamang taga-bitbit ( from the building ) 20 kilos ang bigat ng bawat maleta pero ok lang pagkatapos nyang magbuhat papanik ng mga bagahe sa 5th floor binigyan ko naman sya ng tumataginting na isang sachet ng dried mango galing Pinas ;) kuripot ba? yan lang naman ang kwento ng mga kamalasan. Dahil sa wala akong jacket pag-uwi nilalamig ako so kame muna ay nagkape ( na-miss ko talaga si George ) at kumain na rin ng raisin bread ng bag' o beans na galing pa sa tagaytay ( oo ang sarap nitong tinapay very generous ang raisins ).
nespresso at raisin bread ( ito ang tinira dahil walang ibang makain empty ang fridge )
It takes time bago naayos lahat ang aming mga bagahe syempre nauuna ang mga pasalubong para sa mga malalapit na kaibigan. Mawawala ba naman ang mangga? syempre dried, nasa sachet nga lang siguro kung nag uwi ako ng fresh malamang pisak-pisak ito sa loob hahaha :)
 voilà! isang maletang dried mangoes salamat sa aming kaibigan ng pinakisuyuan naming pagbilhan nito :)
Dahil sa wala kameng makain ( hindi pa kame nakakapamalengke ), isang gabi, nakapag-dinner kame sa kaibigan ni Claudebiko kame ay nag-Fondue ;)
sa gutom ko, walang matigas na tinapay sa mainit at tunaw na keso ;)))
at ang dessert very healthy : mixed of pomelos and oranges!
Ayan ang mga naging kaganapan mula ng araw ng aming pagbabalik sa home sweet home (",)

Monday, November 19, 2012

A friend's treat to Chinese buffet restaurant

As i have said, nagugutom ako! waaaaa.....Miryenda time na naman whew kailangan kong controlin ang sarili kundi naku mapapakain na naman ako ng husto. Naalala ko lang ang aking kaibigan ( na dating classmate sa french course ) who was kind enough na itreat ako here ( nahalata nyang matakaw ako hihihi ) actually, katatapos lang namen mag-usap kanina kasi iti-treat na naman nya ako next week i mean next monday. Monday, Lunes, Lundi eh ano pa nga ba yan ang aking Mommy day, ang araw na pede akong mag ba blah blah blah sa aking mga kaibigan at ka-sisteran. Pagkatapos ihatid ang anak sa umaga, pede ako mag coffee-coffee with other mom's na gusto akong maka-chika o di kaya'y makasama akong mag-lunch ( basta sila magbabayad hehehe ). Ohhh biro lang baka ako ay hindi na imbitahin ng mga yan pag nalamang sila lagi ang taya. In real, i love monday! yung iba ayaw  ewan ko ba siguro tamad gumising hehehe. Pag wala akong engagement ng Monday with friends ang engagement ko ay sa bahay; Linis, laba, luto and internet. La vie est belle n'est ce pas? Anyway, let me share with you guys kung ano ang nilamon ko nuon hahaha sorry with my term "Lamon" - means eat a lot :)
as appetizer: sari-saring binalot -nems ( fried spring rolls ) and fresh rolls
 as main course: sweet and sour fish, egg noodles, rice and assorted dumplings
as desserts; ginataang me tenga ng daga i mean with mushrooms ( promise ang sarap nya first time ko lang maka-taste nito ) at sari-saring rice cakes
Nag-soup pa pala ako ( yung medyo sticky ) hehehe akala ko kasi yung soup eh maalat pang dessert pala iyon kasi naman me mushroom akala ko eh soup of the day hihihi pang dessert pala itits. Opo, nagkasya yan lahat sa tiyan ko. Next week kaya ano ipapakain nya sakin? hehehehe abangan ang susunod na kabanata at abangan kung ano ang dahilan at bakit nya ako nililibre hehehe suspense! ;)