As i have said, nagugutom ako! waaaaa.....Miryenda time na naman whew kailangan kong controlin ang sarili kundi naku mapapakain na naman ako ng husto. Naalala ko lang ang aking kaibigan ( na dating classmate sa french course ) who was kind enough na itreat ako here ( nahalata nyang matakaw ako hihihi ) actually, katatapos lang namen mag-usap kanina kasi iti-treat na naman nya ako next week i mean next monday. Monday, Lunes, Lundi eh ano pa nga ba yan ang aking Mommy day, ang araw na pede akong mag ba blah blah blah sa aking mga kaibigan at ka-sisteran. Pagkatapos ihatid ang anak sa umaga, pede ako mag coffee-coffee with other mom's na gusto akong maka-chika o di kaya'y makasama akong mag-lunch ( basta sila magbabayad hehehe ). Ohhh biro lang baka ako ay hindi na imbitahin ng mga yan pag nalamang sila lagi ang taya. In real, i love monday! yung iba ayaw ewan ko ba siguro tamad gumising hehehe. Pag wala akong engagement ng Monday with friends ang engagement ko ay sa bahay; Linis, laba, luto and internet. La vie est belle n'est ce pas? Anyway, let me share with you guys kung ano ang nilamon ko nuon hahaha sorry with my term "Lamon" - means eat a lot :)
as appetizer: sari-saring binalot -nems ( fried spring rolls ) and fresh rolls
as main course: sweet and sour fish, egg noodles, rice and assorted dumplings
as desserts; ginataang me tenga ng daga i mean with mushrooms ( promise ang sarap nya first time ko lang maka-taste nito ) at sari-saring rice cakes
Nag-soup pa pala ako ( yung medyo sticky ) hehehe akala ko kasi yung soup eh maalat pang dessert pala iyon kasi naman me mushroom akala ko eh soup of the day hihihi pang dessert pala itits. Opo, nagkasya yan lahat sa tiyan ko. Next week kaya ano ipapakain nya sakin? hehehehe abangan ang susunod na kabanata at abangan kung ano ang dahilan at bakit nya ako nililibre hehehe suspense! ;)
No comments:
Post a Comment