Enfin! ( Finally ) home sweet home! pagkatapos ng sangkatutak na kamalasan ( bad luck ) abay nakauwi rin kame. From the last day of our stay in the Philippines, merong eksenang nangyari. Then, nung kame ay uuwi na papunta sa Airport naghanapan pa ng pantalon kasi na missed place ang one and only pantalong dala ni Claudebiko ( halerrr it's impossible na umuwi sya ng hubad hehehe este i mean ng naka-short dahil baka manigas sya abay nag i-isnow ata sa aming babalikang bansa ). All in all, nahanap naman ang pantalon na naglakwatsa muna bago kame natungo sa aming patutunguhan. Good news sa Airline na aming sinakyan, dahil hindi nakuha ang ni-reserve ( thru internet ) naming kiddie meal two days in advance! Bravo, Cathay Pacific para sa mga kiddie voyagers! Nakalapag kame ng maayos sa Pransya at nakasakay ng shuttle bus papuntang Paris. Ang naplanong pagsundo sa amin ng katrabaho ni Claudebiko ay nabulilyaso sapagkat siya ay nasa malayong lugar ang solusyon? kumuha ng T-A-X-I. Ang pagbaba ng mga bagahe sa bus ay nakaka-lurky dahil nakita ko kung pano nila balibagin at pagulungin ang mga maleta. No doubt, me natapon sa loob ng aking bagahe dahil sa labas palang me mantika na ( nung una ang akala ko grasa mula sa ilalim ng bus ) hindi ko pa naisip na ito ay yung Bagoong na aking dinala oh my goodness, dahil sa katakawan ko at sa pag-iisip ng pagkain ng kare-kare talagang isinama ko ito sa bagahe kahit na alam kong risky sapagkat ang aking mga maletang dala ay puro hiram mula sa mga kaibigan. Di pa nagtatapos ang lahat ng yan, dahil natapon din ( ng konti ) yung efficascent oil ( well-wrapped ito mula pa sa Watson ) na pang-hilot ko ke Claudebiko pag sya ay ni-rarayuma hahaha. Well, that's life! lesson learned: Wag manghihiram ng suitcasespara pag me trahedya magandang sisihin lamang ang sarili. Pagkatapos maibaba ang mga bagahe, pahirapang kumuha ng taxi ni re-reject kame kasi ba naman ang lapit lang in five minutes nasa building na namin kame buti nalang mabait si mamang taxi na mala-FX ang sasakyan fit lahat ng aming bagahe at kame ay inihatid ang problema? wala kameng pambayad ng taxi hehehe dahil generous ako wala akong natirang euro sa wallet ( ehem dahil pinamigay ko lahat ) though pede naman card ang ipambayad sa taxi kaso nga lang maliit na halaga ang aming bill so nag-withdraw muna at nabayaran si mamang Taxi ng dosé yap twelve lang ang mura noh?
ang mga nahiram na suitcases ( you know who you are salamat sa pag-intindi promise di na mauulit hehehe )
Pagbaba ng taxi, dyaraaaannnn walang elevator ito ay out of order mula pa nung araw na kame ay bumyahe imagine ito ay en panne mula pa nung feb. 28 halerrrr. Buti nalang merong naka in-charge na mamang taga-bitbit ( from the building ) 20 kilos ang bigat ng bawat maleta pero ok lang pagkatapos nyang magbuhat papanik ng mga bagahe sa 5th floor binigyan ko naman sya ng tumataginting na isang sachet ng dried mango galing Pinas ;) kuripot ba? yan lang naman ang kwento ng mga kamalasan. Dahil sa wala akong jacket pag-uwi nilalamig ako so kame muna ay nagkape ( na-miss ko talaga si George ) at kumain na rin ng raisin bread ng bag' o beans na galing pa sa tagaytay ( oo ang sarap nitong tinapay very generous ang raisins ).
nespresso at raisin bread ( ito ang tinira dahil walang ibang makain empty ang fridge )
It takes time bago naayos lahat ang aming mga bagahe syempre nauuna ang mga pasalubong para sa mga malalapit na kaibigan. Mawawala ba naman ang mangga? syempre dried, nasa sachet nga lang siguro kung nag uwi ako ng fresh malamang pisak-pisak ito sa loob hahaha :)
voilà! isang maletang dried mangoes salamat sa aming kaibigan ng pinakisuyuan naming pagbilhan nito :)
Dahil sa wala kameng makain ( hindi pa kame nakakapamalengke ), isang gabi, nakapag-dinner kame sa kaibigan ni Claudebiko kame ay nag-Fondue ;)
sa gutom ko, walang matigas na tinapay sa mainit at tunaw na keso ;)))
at ang dessert very healthy : mixed of pomelos and oranges!
Ayan ang mga naging kaganapan mula ng araw ng aming pagbabalik sa home sweet home (",)
No comments:
Post a Comment