Tuesday, November 5, 2013

Halloween Party 2013

Oh yeahhh nakaraos ang aming yearly halloween party nuong sabado. Syempre ang pinaka-excited sa lahat ay ang aking Bibingclara. Look, siya ay readying- ready bago dumating ang mga pautay-utay na dating ng bisita.
showing up her maquillage, pasensiya na anak dahil hindi ako doué mag-paint ng mukha ( hindi pa yan tapos anak, pero pwede na )
ang little witch na nag-aantay dumating sa kanyang kaisa-isang batang kaibigan na kinumbida
mawawala ba naman ang food? ben non :) hindi ko na nga napicturan ang mga nagdatingan pang ibang pagkain na tulad ng dinuguan at ang mga cute na putong violeta at ang yummy sarap na lumpia fresh ni Mama Ghuds.
 ang copain ni Bibingclara na nag disguise ng Ninja ( ang sabi ko nga Samurai hehehe parang pangalan ng sauce na nakita ko sa grocery hehehe ) ekis-ekis muna habang nililibang ang kanilang sarili.
syempre kahit isa lang ang bata me konting bonbons at ang mumo cake balls
matagal talaga dumating ang mga les titas, actually nung isang gabi pa gustong mangagat ni Bibingclara buti nalang napigil ko hahaha
the pasaway assistant in action ....
 ako din busying-busy bago pa nag-sabado imagine sinaliksik ko pa talaga kung pano gawin itong chocolate cheesecake na ito buti nalang il est mangeable! hihihi
ito rin green tea chiffon cake na inasam kong mag ala japanese theme ginawa ko kinaumagahan madali lang 30 mins lang luto na na excite akong simulan kasi nakabili ako ng matcha powder nung bumisita kame sa Salon du Chocolat.
ang taco dip na hindi napansin kasi naman hindi ko naituro kung pano kainin meron kasi itong partner na tortilla wrapper, they didn't know na ang sarap nito sa unang tingin parang messy kainin pero boy, hindi nagsisi ang nakatikim me natirang isang bowl at yung iba na take home nila na realized na ito ay talagang yummy. Merci from the food blog kung saan ko nakuha ang recipe.
ang punch na merong apple na pa epek skull take note : organic apple ang mga yan yung iba nagamit sa apple dance, yung natira kinain ko tas yung iba pang natira gagawin kong apple tart oh di ba? san ka pa im not wasteful nyalalalalele.
ang aming couple na kaibigan na dumayo pa talaga para to attend to this event first time nila sa amin makarating. Thank u les Hattes.
at ang bagong sapi sa grupo na sinapian din that night, sila din ay couple at on the go nag-participate sya pati ang kanyang hubby sa aming henyo halloween theme games, paper dance, apple dance at non-dying mummy game marami syang napanalunan sa games dapat nga na-awardan ko sya ng best costume sa kanyang pagka violeta kaso naisip ko wala na akong pang pa premyo hehehe next year nalang bawi ka ha? :)
syempre sumali din kame at habang binabalot ako ni Claudebiko, reklamo ng reklamo napuputol daw yung toilette paper na binili ko ano gusto nya ipambalot sakin scotch tape? hehehehe
pwede na bang iprito? sa totoo lang ang init parang gusto kong magwala para makakalas sa pagkabalot hehehe talo kameeeeee
sumaling pusa din si Bibingclara ibinalot din sya ng friend nya and ang sabi nya "mama, nanalo kame" hehehe syempre sa liit nya kadali kaya nyang balutin isako ko kaya itong bata na to ...
salamat sa aming judge at photographer ..
Nag-dance dance pa bago nag uwian at nakapag Waka-waka pa si Bibingclara with her tatas dahil itoy special request nya.
huli sa eksena at ito ang pinaka favorite kong part sa stop dance, itaas ang kamay at iwagayway :)
ang group picture ng tropa nakalimutan ko din i-special thanks yung multo sa itaas hahaha
Hindi maganda ang kuha ng aming camera ( kailangan ng palitan ). Ok lang, ito ay magsisilbing aming souvenir. Nag-enjoy naman ang lahat at nabusog. Bago magtapos, nagpapasalamat ako sa mga kaibigang naki-join, nag participate at sa mga nagdala ng pagkain. Maraming salamat! hanggang sa susunod na halloween party tayo ay mag-a-ala VERDE naman :) 

No comments: