umpisahan sa Manila beer ( nakita sa grocery binili at tinikman! mmm.. lasang beer lol hindi lasang polusyon )
nakakita ng best friend sa Rizal Park ( si bulol ) *i will see some of your cousins bulol this weekend in Quai Branly Museum
super liit ko ( wala pang hilamos yan ) sa may side ko tatlong 'mama' na mukhang me ka rendez-vous na inaantay ;)
ang perya na chubibo na jollibee ( in fairness inalmusal ko jollibee breakfast after pasyal, talagang nag- chicken with gravy ako, ang tagal kong di nakakain nito sa umaga so sinamantala habang walang controller hihihi )
me nadaanan kameng kamote-que at banana-que ( hindi ako bumili, naisip ko maaga pa para magmiryenda hihihi )
at me kropek at chicharon na tinda sa daan hmm.. pangpulutan ( hindi ko din binili kasi maaga pa para magpulutan hihihi )
mug bought from Kultura ( I love Manila )
Nakaraos ang pasyal kasama ang mahal kong kapatid, nagpicture-picture at gumala-gala sa Rizal park kahit sa maikling sandali. Pagkauwi ko tulog pa din ang aking mag-ama. Sayang at di ko sila nadala para makita ang mga nag eexercise na chinois, ang fountain, ang mga taong nagjo-jogging, at kung ano-anu pa. I took out the i love Manila mug from the luggage and put on the side of the sink ( syempre huhugasan ko muna at aalisin ang tag bago gamitin ( 99pesos lang ). Sabi ni Claudebiko, wala bang I love Province? nyehehehe (",)
No comments:
Post a Comment