Last Sunday naglakwatsa kameng tatlo pero ngayon nasa bahay lang kame maghapon bukod sa birthday party ( na halos 3 oras ) na inattenand - ( korek kaya itong term ko ) ng anak ko hehehe nakapag day-off ako ng ilang oras din kahit pano. Hay! Mabuhay ang lunes me iskul na bukassss
ito ang itsura namin dun sa bahay ng nag-imbita sa amin sitting pretty ( feel at home talaga ) habang nanonood ng garfield :)
hindi lasagna ang inihatag sa amin for lunch ;) kame ay nagkanin na merong putaheng isda at bagong recipe ng aking friend ito ay chicken with plums "poulet aux prunes" masarap! manamis-namis
mawawala ba ang dessert? nandito si Claudebiko at dalawang galon? hindi galon tupperware? hahaha plastic? basta, dalawang klaseng ice cream na tsokolate flavor ( ang dameng kinain ni Bibingclara nito )
at ang mag-pinsan na pineapple cake -gateau à l'ananas my version yung sunog at yung tisay ay gawa ulet ng aming host
nung kame ay umuwi nakita ko si Madame Eiffel
gabi na pala hapunan na naman minsan masarap lumabas at makita ang mga ilaw ( bihira lang kame lumabas sa gabi wala kasi akong ka-jamming mag-disco ;) )
at pagka-uwi dyaran! nakapag-luto pa ako ng tart na may kasamang hiningi kong broccoli :) ( di ako nakapamalengke nung umaga sa open-market )
As this time, gabi na naman at ako ay magluluto muna, ang menu? - nilagang gulay :)
No comments:
Post a Comment