Monday, September 17, 2012

Ikéa, Fruit picking and Pony ride

Yesterday, we went for fruit picking at Chapeau de Paille-Cueillette de Servigny, it's just 30 minutes drive from Paris ( if we just not have lost hehehe ). Our planned was plainly fruit picking only until we decided from the last minute to stop by first to Ikéa, as we must buy something for Bibingclara's room. From there, we had a quick snack after the buying. Hotdog sandwhich ( 8pcs ) yeah it's clear! for fifty cents you can eat 4 pcs ( per person ) but not me, 2 is enough with refillable soda for only 1,40 euros solve! So who ate 4 pcs of hotdogs? yep the person on the left hehehe it was Claudebiko. I really don't understand. At home, when we have hotdogs ( pork or chicken ) he never, ever eats them as in jamais ( never ). Well, what's really in the hotdogs from Ikéa food section? masarap lang siguro yung tinapay o nakaka-apat dahil mura at me sauce na mustard at ketchup? at isa pa he also doesn't like ketchup but from there mega patak ketchup ang trip nya hahaha anyway, for us when we go there, hotdog na rin ang pakay at ice cream naman para ke Bibingclara :)
a photo from the snack bar
i also had friend who joined us, ( last minute din ang pag-akay ko sa kanya talagang minadali ko pa ) it's Sorina ( Ate Yolly's sister )
after maligaw at last, nakarating din kame sa pitasan ng prutas
we got a wheelbarrow from the entrance and hop! au travail ( on job )
The patatas for Pinayfries
good job anak
kung ano ang mataas yun ang gusto nyang pitasin hehehe walang bangko tungtungan sori!
crunchy ang apples and juicy pa ( i guess we have got almost 2 kilos )
huli sa akto tikim muna bago pitas
sa dame ng klase ng apples duon isa lang natandaan ko na pangalan nito basta me crisp sa huli hehehe
sarap buhay me taga-tulak
sa may kamatisan ( it was actually our first time doing fruit picking but my friend sori, she does it many times lalo na't pag summer )
i have got some but i preferred when they're more reddish
in the pear section, ito ang eksena kinagat ni Eva hahaha
at ito pa ... comice pears i have got 6 pcs. about 2 kilos more they're just medium sizes
umakyat pa talaga sa puno hehehe my friend chose bigger pears and she got 3 kilos more
It was fun, fun, fun before picking our choice, tikim muna kung masarap hehehe. We bought home 1 big salad, 2 medium size pumpkins, 3 big and long zuchhinis, potatoes, apples, pears, tomatoes and strawberries. What i missed getting was the Aubergines, ang mahal ng kilo at ang liliit pa what i like is yung malaki masarap igisa at lagyan ng bagoong. Medyo strange, kasi Sorina and i noticed one man na pinitas yung maliit na aubergine tapos kinain agad ano kaya ang lasa nun? mapait? well, just curious first time kong makakita ng kumakain ng hilaw na talong hehehe after ng pitasan, ( good because it was really sunny nakisama ang weather ) Bibingclara had her pony ride ( free ) pero madugo ang pila dahil talagang agawan. 4 lang ang pony at good itong kabayo na talagang pinilit kong mapasakanya hehehe. Kundi ko pa talaga ipinilit itong pony na talagang akma sa laki ng anak ko, kundi gusto itong kunin at sakyan ng isang bata na halos magbibinata na at ipalit ang malaking pony na kulay itim na pagkataas-taas para ke Bibingclara hellow ok lang sila that pony is for us dahil we waited for our turn kahit mahaba at matagal ang waiting and me number ako na hawak na ibinigay nung nag-oorganize para sa gustong sumakay ng ride. Anyway, di naman sila nagpilit dahil alam naman nila na i'm right kitam palasagot na talaga ako ngayon hehehe di katulad nung dati na di nalang iimik. Talagang sinampa ko kaagad si Bibingclara at nilagay ang riding hat sulit dahil tuwang-tuwa ang aking unica hija sa kanyang pony ride :)
kaya lang mukhang pagod na itong si pony at gutom kasi habang hila ko ang lubid abay hinto sya ng hinto para kumain ng damo :)
she was really contented ( her second time riding on a pony and this one is different gutom talaga ang bagal gumalaw hehehe ) kaya naman tawa ng tawa ang anak ko
kain ulet ... mga 10 minutes or more siguro yung tinagal ng ikot namin medyo mabilis na medyo mabagal basta kuha lang ako ng kuha click lang ng click ng camera
les choux verts - Ang repolyo sa atin at Kale naman kung tawagin sa Ingles ( napadaan lang kame dito parang gustong kainin ni pony )
pagod na ang pony, dumating na si Claudebiko mula sa pitasan konting haplos ke pony
at alalay bago matapos ang ride pabalik
Bibingclara with her little wheelbarrow
Me nakapaskil na carrot pero wala kameng nakitang taniman ng carrot siguro naubos na ang dame kasing tao. Ang daming pila para kiluhin ang aming mga gulay at prutas. Sulit ang pagod! naka-20 euros+ lang ang binayaran namen. Enjoy! mauulit ito next time. Pero bago muna yan, our next plan is will do mushroom hunting sa forest. Para bang nung kabataan ni Claudebiko mahilig kasi sila nuon manguha ng kabute kasama ang namayapang tatay nya. Of course, natatandaan pa ni Claudebiko kung saan pede kame humanap ng mushroom wag lang sana kameng maliligaw hehehe cross fingers xxx

2 comments:

Cielo said...

This is a very nice family bonding activity :-) How i wish we have this kind here in Saudi :-(

Pinayfries said...

Hello Cielo! thanks for dropping by yeah this is really nice family bonding activity kaya nga we will do it again kapag nice ang weather. Nakakatuwa parang namalengke kame ng gulay at prutas with fun time. Kung meron dyan mag-eenjoy ang two girls mo for sure :)