Bibingclara get sick first, then moi and after si Claudebiko. Everybody get sick! kasi naman paiba-iba ang panahon nung isang araw umulan, kahapon umaraw at ngayon umuulan na naman. Sala sa init, sala sa lamig yan ang mood ng aming weather here in Paris. Kapag umuulan pa naman bad trip ang lumabas kahit dito sa aming balcony di makasilip very wet ang sahig kaya hanggang silip bintana nalang kame. Like nung nasa Uk kame last April, di man lang na-enjoy ang hardin hanggang silip bintana nga lang din kame dahil basa ang grass.
Leo's mini garden at Streatham talagang me patak pa ng tubig ang glass door when i took photo from inside
Nakakatuwa kasi every morning kakasilip namin lagi kameng merong nakikitang squirrel yeah first time kong makakakita nito ang cute! palakad-lakad sa may kahuyan na gate. Minsan hinahabol ng pusa nilang si Fluffy dahil si fluffy ay laging nasa garden umulan ma't umaraw. Hindi lang yan dahil itong pusa na si Fluffy ay hindi nila pusa. Eto ay pusa ng kapit-bahay na gustong laging nagpupunta kela leo kaya naman parang pusa na nila ito. Kahit anong balik nila sa kapit-bahay abay laging bumabalik dumadaan sa garden. Talagang gusto nyang magpa-ampon kila Léo kaya ang ending si Fluffy o Zezinia ay nasa kanila na :)
meet Zezinia o fluffy ( dalawa pangalan nya hehehe ) in fact buntis pala sya nung time na nandun kame sa uk ang ganda ng kulay nya ang tawag dito écaille de tortue - o tortoise shell. Well, nanganak sya one week ago ng tatlo pero patay yung isa nung lumabas at hindi lang yan hindi sabay-sabay nilabas yung isang kuting nung umaga tapos yung isa patay at isa pa ulet nung kinagabihan.
this is a photo of a garden of a friend in Uk ( Hertford ) kuha padin interior bad trip when it rains
Ang sarap kapag me mini garden pede magtanim-tanim ng kung anu-ano at masarap din magpahangin at magrelax-relax sa labas kaso bad trip talaga pag umuulan hehehe
eto si ------ nakalimutan ko ang name nya goshhh ang pusa ng me ari ng garden hehehe
Senia ba ang pangalan nya ay naku di ko na matandaan basta nag-uumpisa sa S hehehe nung unang kita ko sa kanya ay nung matagal nang panahon click here - sya yung nasa first photo. Hindi ko na din matandaan kung babae o lalaki sya matanong nga at matawagan isang araw yung kaibigan namen para tanungin hehehe. Nung unang kita ko sa kanya nahahaplos ko pa sya, nuong last time napicturan ko sya pero ayaw nya magpahawak ( isnab mode di nya na ako kilala ). Matagal-tagal na rin akong walang post about sa aming pusa na si Mia hmm... na miss ko, kaya ang entry ko ay pusa. Sana naman umaraw naman bukas dahil ang aming kamatis na tanim sa balcony ay kelangan ng araw, sagad-sagad na sya sa dilig eh Upnext, post about Mia miaw :)
No comments:
Post a Comment