Mashed potatoe, bow-tie pasta and rice. Buti nalang me leftovers kame na pedeng kainin dahil di kame makapagluto ( pede magluto kaso nga lang gagamitin ang reserbang bottled water ) ki-nut ang water supply namin mula pa ata kagabi at ngayon lang namin umaga nadiskubre na walang tubiggggg.
Here's the story :
Kagabi mga alas-diyes ng gabi meron nag-interphone ( syempre nag-ring ) tulog na si Bibingclara buti nalang di nagising. At dahil letter B ( Bordage ) ang una atang napindot dito sa amin nag-ring. Ang sumagot ng interphone :
Claudebiko - " Akala mo bubuksan kita dahil nag-ring ka ( ang sungit ) meron kameng batang natutulog na bata sa oras na ito. Ano ang maipaglilingkod ko?
Mamang nag-interphone - Uhh kasi merong problema sa parking nagbabaha ininform ko lang kayo kaya ako nagpa-ring.
Claudebiko - Hindi namin alam ah ganun ba wala naman kameng sasakyan sa garahe hindi naman ako ang guwardiya o nagbabantay ng building ( inignore ).
Natapos ang pag-uusap nila sa interphone na ako ay nakikinig lamang habang nanonood ng TV na nakasilent mode. OO nga wala kameng sasakyan sa may parking ng building kasi yung sasakyan namin sa daan lang namin ginagarahe ( mas mura ang fee pag garahe sa labas kesa mag rent o bumili ng sariling parking sa baba ). Paglipas ng ilang minuto nang ininterview ko si Claudebiko kung ano ang kailangan nung tumawag, sabi ko " wala nga tayong sasakyan sa may parking eh pano kung umabot sa may basement ( all the residents has a little space there ) yung tubig, baka mag-TITANIC yung aming mga gamit doon my goodness meron pa naman akong mga future balikbayan box na pedeng mabasa at nandun lahat ang aming mga abubot.
Claudebiko - Oo nga noh, pinaalala mo nakalimutan ko teka baka nga bahang-baha na bababa ako at ng matingnan.
Bumaba at wala naman daw tubig sa aming basement di nya nakita kung me tubig sa parking dahil wala naman kameng access ( susi ) doon pero narinig ni Claudebiko sa may bandang garahe na parang merong malakas sa agos ng tubig na para bang me gripong bukas ( super lakas ) kahit daw nsa daan ka maririnig mo parang falls na ata yung tunog ng agos ng tubig ( kaya nga siguro merong mama na nag interphone baka kapitbahay o sa katapat ng building ). Pagkabalik ni Claudebiko sa bahay, agad syang tumawag para humingi ng saklolo sa hotline ( in case of emergency ) ng building. Actually, pangalawa na si Claudebiko na nag-inform sa kanila na me problemang baha sa parking. He insisted na they must send people immediately and do something about it bago pa maging malaki ang damage gawa nung baha. Kaya ayan merong big repair silang ginagawa kanina pa kaya we have no water supply so wala kameng hilamos hehehe buti nalang me wet wipes at nakapag toothbrush kame na gamit ang mineral water. Hindi ka man lang makapag hugas ng P ( pinggan ) mga hugasan nung pagkatapos mag-breakfast. Ano kaya masarap ipartner sa leftovers trio umm hotdog o itlog? Pati pag-luto medyo nakakatamad kapag wala pang ligo. Umm makapag-blog nga lang muna habang nag-aantay ng pagbabalik ni water :)
No comments:
Post a Comment