Thursday, March 15, 2012

Lunch - Salad and goat cheese balot

I must accept na minsan nauubusan ako ng idea kung ano ang iluluto at ihahanda ko sa hapag-kainan. Minsan me slight katamaran na rin hehehe buti nalang ang simpleng salad at keso sa ref ay nakakapagsilbing angel ko sa kusina :)
batavia salad with slices of dried hams / deep fried wrapped goat cheese
Usually, pag lunch yung madali at mabilis lang lutuin ang kinakain namin tulad ng pasta. Tumingala ako sa may istante oops naubos na pala ang huling pakete ng pasta, bumaling sa may kanang bahagi ng kusina binuksan ang ref, unang palapag sari-saring ham ang nakita kumuha ako ng isang pakete, sa may katabi ibat-ibang keso ang natagpuan; me malambot, matigas, maamoy, magatas pero ang pinili ko ay yung keso ng kambing hindi dahil sa ako ay year of the goat hehehe sa kadahilanang favorite ko talaga ang keso ng kambing. Pumilas ng ilang dahon ng salad ( syempre hinugasan ) nakakita ako ng natirang lumpiang wrapper ( pinambalot sa keso ). Pinrepare ang salad na me ham ( buti nalang lagi akong me ready na vinaigrette na gawa ko ) pinrito ang binalot na keso sa super init na mantika ( kaya medyo sunog ng konti ) Ayan ang naging lunch namin instant at rapido :) 

No comments: