Ngayon ay anibersaryo ng aking pagdating sa Pransya, tingnan mo nga naman anim na taon na! Natatandaan ko pa na umaga akong dumating nuon March 14, 2006 at mula sa palapagan ng eroplano agad-agad akong dinala ni Claudebiko ke Madame! hehehe si Madame tower oo sa Eiffel Tower :)
gusto ko ang klima dahil medyo malamig ( nearly springtime ) feeling ko nasa baguio ako hehehe buti nalang merong jacket na nasa sasakyan bigay ng wife ng katrabaho ni Claudebiko :) Hindi ako prepare pano naman t-shirt lang ang suot ko as in! buti nalang maasahan at Eveready as in battery si partner ko.
sa Notre dame na para akong nawawala na turista hehe ang jacket o pull? naku ke Claudebiko yan :)
sa Champs-Elysées na me dalang sirang payong hahaha umaambon kasi i don't care kahit na tupi-tupi na yung alambre hehe basta ang mahalaga di ako ma-wet dito ko nakita ang mga luxury boutiques naaalala ko pa yung joke ni Claudebiko na if i can pronounce well "Louis Vuitton" in french, he'll get me a bag! kaso etching nya lng yun hahaha ang jacket? hehehe ang laki sa akin galing din sa katrabaho nya teka para nga atang pang-lalaki ito eh :)
Outside Louvre Museum
Para akong estudyanteng walang pera ngek!! hehehe sabi ko nga hindi naman ako tourist kaya nung naglibot-libot kame sa Paris ay paunti-unti. Nag-aaral na ako ng french lesson nyan. Syempre ang dame kong mga na-experienced na nakakatawa hehehe me mga katangahan at kamusmusan. Ang dameng pinag-bago wheww anim na taon din dati me braces pa ako sa ngipin, me kulay ang buhok, me salamin, at hindi ganong mataba! ( hellow im only 26 that time wala pang anak noh ) simpleng ineng ( pero rock! ) Ang masasabi ko lang, no regrets! In six years living in france, MASARAP ANG PAGKAIN! hehe seriously, i love living in this country sabi nga Liberté, Egalité, Fraternité! Bow :) Happy Anniversary to me!
No comments:
Post a Comment