Wednesday, May 25, 2011

Herbolaryo

Minsan, isang araw nung kame ay nasa bakasyon para pasyalan ang aking biyenan na nasa retired home kasama ang aking hipag kame ay lumabas at nagpahangin sa may maliit na park malapit sa kwarto ng aking biyenan, ang anak ko ay nakakita ng kakaibang bola. Nilapitan, at halos makikitang me tanong sa kanyang mga mata :)
ang tanong, ito ba ay bolang kristal?
hinawakan dahil hindi nakuntento sa tingin
Ang sagot : Iyan ay ilaw sa gabi at mukha syang buwan kapag sinindihan na pag madilim. Medyo madumi ( talagang madumi pala ) dahil hindi siguro nalilinisan. Me lumot na kulay verde kasi umulan man o umaraw nandyan lang sya parati. Nakuntento sa sagot ng nanay, medyo nainip pumitas ng dahon at nilapitan ang tiyahin na nakaupo at ang naging resulta....
tinapalan ng dahon ang kanyang tiyahin
Siya ay naging little herbolaryo. Kagagawan na naman ng aking kabataan. Nung ako ay maliit pa at kapag nagkakasakit palagi akong dinadala ng nanay ko sa albularyo ( a traditional healer ) tapos kung ano anong dahon at itinatapal at pinapainom sa akin effective naman. Ewan ko lng kung umepek ang pagka-herbolaryo ni Bibingclara sa tita nya :)

No comments: