Speaking about balloons on my previous post, eto naman ngayon ang mga lobong nagkakahalaga ng ilang euros maliit man o malaki pare-pareho ang presyo nila ( 5 euros ). In fairness, matagal ang buhay nila dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin sila umiimpis except ke Barbapapa ( red ) na hindi namin alam kung saan naglaon. Hindi ko na makita maging ang tali at ang kanyang kaluluwa parang naglahong bula siguro lumipad nung nakabukas ang bintana. Kung sila ay gustong tingnan kelangan lang tumingala katulad ng ginawa ko nung pinicturan ko sila :)
3 Balloon character in Bibingclara's room
Kapag me bata, mapapabili ka talaga. Lalo na't nakita nila ang kaakit akit na mga character tulad nalang ni....
noddy - na nabili nung february nung nanood kame ng parade nung chinese new year
barbapapa - na na-lost na binili ito nung araw ng gay pride
at ang magandang prinsesa na nabili nuong july Phil. Independence day sa paris.
Nung huwebes, Revolution day pero hindi kame lumabas at nanood ng fireworks malapit sa Eiffel tower ( sa tv nalang ) panigurado kung kame ay lumabas that day, meron na naman nabiling lobo character itong si Bibingclara :)
No comments:
Post a Comment