kanta : Ako ay may lobo
lumipad sa langit
di ko na nakita
pumutok na pala
sayang lang ang pera
binili ng lobo
kung pagkain sana
nabusog pa akooo......
( oh di ba kaya kung burger daw ang binili nabusog pa hihihi )
At dahil sa nalalapit na nga ang kaarawan ni Bibingclara meron din syang mga bagay-bagay na gagamitin para sa kanyang celebration na tinatago usually sa kanyang box na makukulay ( in real shoe box yan ) dito namin itinatago ang mga bagay na tulad ng sinuot nyang puti at mga kandila nung kanyang binyag. Decoration sa kanyang mga cake na ibinlow, party hats, lootbags at maging ang mga ginamit ko sa aking baby shower ay nandyan din! magic box yan nagkasya lahat.
4 Bibingclara's treasure boxesDyan din sa mga boxes na yan nakatago ang mga bagong modelling balloons na binili namin ( i have to bring some for tomorrows jen's bday ) at ang mga abubot na katulad nito....
toothpicks at sticks na ibat-ibang hugis at design, straw at mga pang decoration sa cocktail drinks
isa sa pinakamahabang lobo ( parang bilbil ko ito na ilang layers ah hehehe )
at lobo na napulot namin sa daan nuong martes ( napagalitan ko pa si Bibingclara hinabol ba naman sa daan buti nalang walang sasakyan )
Ang cute ng pink na lobo na aming napulot ito ay merong prints na bday lobo talaga.Hulog ng langit saan kaya ito nagmula. Masayang inuwi ni Bibingclara ang napulot na lobo, nilinis kaagad namen ng basang bimpo bago nya ito pinaglaruan buti nalang diko itinatapon ang mga lumang stick ng lobo kaya nagagamit pa ulet ( recycle bah ) tomorrow's celebration, my friend jen's bday! hmm we'll see what we can do with our colorful lobo's na hihipan palang. Next post, ang mga lobong pinagkagastusan :)
No comments:
Post a Comment