banderitas at makulay na letra na proud ini-ispell paulit-ulit ni Bibingclara
ang aking mga inihain sa aming dinner - salad, chicken, pork chop, endives gratin and tuna and corn fritters
7 visitors na nag enjoy at nabusog nung gabi na iyon ( ang ibang tita hindi nakarating dahil nasa bakasyon ) naglaro ng lobo, nagkaraoke, nagtagayan at nag-astang parang mga real chikiting :)
blowing her little number 3 candle
At kahit na sampu lang kameng katao para kameng 20 persons sa ingay paulit-ulit ang pagkanta namin ng happy birthday ke Bibingclara at tatlong version pa tagalog, english at french. Nailuto at na-prepare ko lahat imagine walang tigil ang aking oven. Pagkatapos ng endives gratin, salang ang chicken at sunod ang porkchop na minarinate sa bbq sauce. Naituhog-tuhog ko din ng maaga-aga ang mga appetizer na tulad ng mga nasa ibabang larawan :)mini hotdogs na favorite ni Bibingclara at cheese with caraway seeds
( galit ako sa toothpick :) )
longganisa balls/ mozzarella balls at cherry tomatoes
sliced surimi ( ham type ) rolled with cream cheese cucumber flavor filling
les blinis - mini pancakes with tarama/taramosalata and houmous/hummus
ang aming entrée mexican salad with shrimps na panalo at nagustuhan ng lahat
ang bi-nake kong eggpie ( favorite kong miryenda sa malabon na nabibili sa paniderya )
at ang tiramisung pinersonalized
Ang saya-saya ng anak kong si Bibingclara nung araw ng birthday nya. Syempre lahat kame ay masaya din. Di pa nagtatapos ang kasiyahan dahil me kasunod pa upnext... another birthday na dinaluhan :)
No comments:
Post a Comment