Friday, July 29, 2011

Our friend Jojie's Bday

Ilang kilo kaya ang nadagdag ulet sa timbang ko hmm... actually ayoko ng magtimbang dahil madi-disappoint lang ako. Sa sunod-sunod na nag-birthday, sunod-sunod din ang kain ko. I am not complaining, lalo na't hindi ako nagsisisi di bale stop na ang pagkain after ng bakasyon that means kakain ako to the max till end of august hehehe september pasukan na malamang ay mangarag ako dahil maaga na akong magigising dahil mag i-iskul na si Bibingclara. Bago humaba ang aking kadaldalan ipo-post ko muna ang huling july celebrator. Pagkatapos ni Bibingclara's bday, last sabado nag-dinner kame sa aming kaibigan na si jojie na double ang celebration. Pag-uwi nya sa pinas at bday at the same time. So ito ay pa bon voyage at merry bday na rin :)
                                               maja mais that i made for our friend jojie
                                    ang nangangamot at kumukukot ng mani at chips
cheersssss!!!
Wala ng pictures ng pagkain ( over busog na sa kakatingin ng pictures ). Pero meron silang niluto na masarap specialty daw ng visayan. Ito ay isda na me gata at me talong ng gulay. Ang sarap! allez cheers!!! Bon voyage sa lahat ng mga filipina friends ko na uuwi at magbabakasyon sa pinas! ikain nyo nalang ako ng mangga waaaaaaa :)

No comments: