I know, i know ang dame ko ng utang magpapasko na at ito ang huling buwan ng taon. Maraming nangyari, naging busy at miningle-mingle ang time sa pagiging ulirang ina, part-timer worker, pagte-take ng short courses, pagluluto at pagbe-bake, kakakain at pag-e-exercise! hehehe Yes, you read it well!
Napagtanto ko na nakaka-anim na taon na itong aking blog na mangyaring na-abandon dahil sa kakulangan ng oras. Isang taong walang update, walang post, walang balita. As you can see, ito ang huling litraro na na-i-post ko sa FB. Sadyang kawali!
Pinayfries 6th year Blogsary
Namnamin ang update mula laman hanggang buto! Aww! awww!!
Enero ; Ang unang buwan pag pasok ng taon na bumisita sa Paris kasama ang kanyang pamilya ang aking kaibigan na vietnamese na nanggaling pa mula sa Singapore. Syempre sila ay aking pinaunlak at pinaghandaan, as usual tuwing kame ay may bisita.
Pork adobo with hard boiled eggs and potatoes
Pebrero ; Nag-umpisa akong mag diet. Ang tinatawag na 3-day diet na matagal ko ng ginagawa nuon pa sa Pinas. Ang hirap! pero ang bilis ng pagbaba ng timbang at epektibo. Pebrero din nag-umpisa ang pagpintura at pag renovate ng aming sahig at pagpalit ng kama to loft bed.
our mezzanine ( mag-isa lang di Claudebiko na nag tayo nyan )
Marso ; Abay nag-pa bollywood brunch ako nyan kunwari gagalaw at sasayaw pero pag tapos pag-pawisan lafanggggg!!!
Pares ( first time ko gumawa but masarap at sulit )
Abril ; Kaibigang bumisita sa bahay na matagal naming di nakita, nagprofit umorder ng cake so pick-up ang order ng pastries ko at sabay dinner with us :)
Chicken a la king ( love namin ito at pede na raw pang restaurant )
Mayo ; Hulog ng langit at merong nagbibigay samin ng isda ilang ulit at ilang beses. Siya ay nangingisda by pleasure at kame naman ang taga-kain bless him! mahal ang isda dito kaya naman thankful kame sa kanya.
Ginataang isda with lots of pechay and french beans
Hunyo ; Walang okasyon, naisipan ko lang na mag-luto at mag-imbita ng kaibigan medyo maganda at mainit-init na ang weather kaya naman habang merong kainan meron ding daldalan at the same time.
what you see is not rice, it was wheat grain for a change ;)
Hulyo ; Kame ay nasa Pilipinas at ang aming munting handa at salo-salo sa lugar na aming inupahan. Di na kame nagkaroon ng time masyadong magluto o mag dine out kaya naman sa tulong ng aking kapatid siya ay nag-adobong halo.
Chicken and Pork adobo na manamis-namis ng aking one and only bro
Agosto ; Nasa Manila pa rin kame nyan at nothing can stop me sa pagluluto lalo na't merong grocery store nearby of course instead na kumain at lumabas sa restaurant i prefer na magluto.
I cooked them all except from boneless bangus na pinirito ng aking lil sistah
Setyembre ; Pagkatapos ng ilang linggo sa Pinas, pasukan ng buwan ng setyembre at ang unang bisita, ang aming kaibigan medyo inspired magluto at syempre filipino dish pa rin :)
Sinarsahang baka with friend rice
Oktubre ; Natapos ang pasukan, pag-asikaso ng mga gamit sa eskwela at pag re-register sa mga extra scolaire activities. Nag-birthday ang aking mga siblings. Nagbirthday din si Claudebiko, and his son na kaparehong date sa pagkamatay ng aking biyenan na babae na nanay ni Claudebiko. Naumpisahan ko na ang aking project na magluto para sa pagbebenta ng pagkain thru internet. Ito ang naging photo shooting for the first time inumpisahan ko sa apat na dish to validate my menu. Of course, me taster one and only nga lang so yung tira kinain naminnnnn.
first photo shoot of monvoisincuisine.com
Nobyembre ; Ang taon-taon na ginaganap na Halloween party sa bahay. Syempre nagluto at nagprepare ako ng mga foods comme d'habitude. Worst friday the 13th ang sumalpak sa france dahil sa terrorist at maraming nasawian ng buhay at isa na ang kaibigan ng anak ni Claudebiko. Luksa at lungkot ang naramdaman. Nakakapunit ng puso ngunit dapat bumangon at maging matatag. Life must go on ika nga.
katakyut food on the table by yours truly
Disyembre ; Aking birthday month, at ang pinakahihintay na kapaskuhan. Busy sa pagbe-bake, pagbabalot ng regalo at kung ano-ano pa. Syempre nagbunga din ang aking effort, dahil month of december din nag-umpisa ang tanggap ko ng order thru internet ng mga lutong pagkain. Pag me tiyaga, me tocino este nilaga pala.
The Culinary Talent of 13th Arrondissment, Maruh
Kung me Pabebe girl, Pastillas girl abay me Tocino girl din.