Saturday, April 13, 2013

Obsession

Tenga! I'm not the type of person na namimingot ng tenga hahaha yan, ang tipo ng parusa nuon kapag meron kang ginawang mali o kabalastugan yun bang kanta sa Nanay, Tatay gusto kong tinapay. Ate, kuya gusto kong kape. Believe it or not, itinuro ko pa yang kanta na yan ke Bibingclara at ang favorite part ng aking unica hija sa kantang iyan ay " S'yang magkamali ay pipingutin ko!" hahaha tawa ako ng tawa dahil natatawa din sya when i translate the song in french. Syempre, pipingutin ko din ang tatay nya kapag walang dalang canvas na sabitan ng aking mga hikaw. Ayaw mapingot ng tatay kaya napilitang bumili para sa aking countless pairs of earrings :)
yes, ginawa kong sabitan ng hikaw ang canvas para bang pang-display na rin sorry di ako marunong mag-pinta kaya ito nalang ang napag-diskitahan ko. Sorry sa malaking paa na nasama sa picture, paa ko po iyan napagod ako kakatusok para butasan ang sasabitan ng hikaw.
at hindi lang yan, nung nakaraan natapos kong pagsasabitan ng kwintas ang cork board, oh di ba, pang-display din? Imbes na message and tusuk-tusukin sa message board abay ginawa ko syang sabitan para sa ma-Tribu kong kwintas.
ps : Yan ang kinababaliwan ko bukod sa betty boop, ang mga hikaw ( na chandelier type ) ang mga kwintas na panabit. Ay, nga pala obsesse din ako sa Tenga ng Lechon harharhar (",)

No comments: