Today is the day of what we called "la chandeleur" o tinatawag na crêpe day. We love eating crêpes mapa-crêpe day man o hindi. Mapa-salted o sugared one. Sa ngayon, is really the best moment na kumain nito lalo na sa miryenda. Ang lamig-lamig at tamang-tamang ang bagong lutong mainit-init na miryendang crêpe na sasamahan ng tsaa o kape habang nagchichika-chika sa bahay ( nakakatamad lumabas so cold outside ). When cooking crêpes si Claudebiko ang naka-assign dyan at dahil ngayon ay ordinary day at me pasok sa trabaho ang aking mahal na asawa malamang ang aming crêpe feast will gonna be held on sunday :)
pede din itong pang lunch na tulad nalang ng lunch namin ni Bibingclara nuon sa Brittany take away galette.
Bibingclara's galette - ham and egg
mine was andouille galette
Ano nga ba ang pinag-kaiba ng galette at crêpe? well pareho silang crêpe in short ay "galette"- ito ay gawa sa buckwheat ( o black wheat ) at karaniwan ang inilalaman nito ay can be egg, sausage, fish, kahit anong meat, pâté at mga gulay. Samantalang ang crêpe ay gawa naman sa wheat flour ( o puting harina ) at kinakain karaniwan sa dessert dahil ito ay sinasamahan ng matatamis na tulad ng prutas, ice cream, jam, chocolate ( o nutella ), honey o di kaya'y asukal lamang. At dahil kame ay nasa Brittany nuon kung saan specialty ang crêpe at galette syempre nagpakasawa kameng mag-ina. At ito ang mga naging miryenda kinahapunan :)
crêpe with banana and salted caramel for me
at nutella crêpe to my unica hija
At dahil wala ang master ng crêpe ( taga-luto ) dahil si Claudebiko ay nagbo-boating, mas madaling bumili sa labas at bonus ang kumain al fresco :)
2 comments:
sarap! naalala ko on our way to the Eiffel tower may nagtitinda ng crepe bumili kami crepe nutella.
oo cielo madame nagtitinda ng crêpe dito sa mga park meron din. Click ito sa mga bata usually sa tourist places din kasi ito ang number one na pamatid gutom ng mga tourist ang crêpe o di kaya mga sandwhich sandwhich yun bang mabilis at madaling kainin :)
Post a Comment