Tuesday, December 27, 2011

Christmas party 2011

At last, nakapag-post din ako ng entry. After ng sobrang kabusy-busyhan ko nitong holiday, pahintulutan nyo akong i-post ( actually late na nga eh ) itong aming naging christmas party nuong dec. 19 pa hehehe excuse me :)
ang mga christmas motif na paper plates na atat na atat na ring magpagamit sa amin hehehe
Eto ay naging pinoy style sapagkat kain kame ng kain habang kumakanta at ang mga nilafang ay ang mga sumusunod :
salmon canapé
chicken yakitori
buttered shrimp
Actually konti lang kame kaya hindi ako nagluto ng marami at hindi ako nangarag sa kusina though ang aking mga kaibigan ay me kanya-kanya ding bitbit katulad ng sugpo na niluto pa dito sa bahay ( naubusan pa kame ng luya in fairness ) at ang pineapple chicken na pagkasarap ni jojie :)
excited kame sa exchange gift na anim lang ang lumahok hehehe
Picture namen iyan pagkatapos paglaruan ang panabit ko sa christmas tree ( gawin ba namang hikaw ) ang kukulit ng aking ka-friendsteran teka hindi ba ka facebookan? well, ala akong facebook account ( whattteverrr ) :)
ang bukasan time ng mga regalo lahat super saya! ang busying busy na binubusisi ang mga natanggap!
ang dalawang prinsesa na pinakain muna bago pinakanta hehehe
ayan at nag-gigitara pa, hataw girls!!!!
pati si mia ay naki-party din kaya puyat 
It was super sayang christmas party next year sa pinas naman kame. At ang mga regalong natanggap? well, ipo-post ko yun next time. Pano tulog nako birthday ko bukas makapag-beauty rest muna huammm antok nako bye for now! nite :)

No comments: