My first post this month of October youpiii! I was so very busy last month ( September ) pagkatapos ng aming bakasyon ( August ) ay naku sunod-sunod ang gathering. Kainan kaliwa't-kanan! Imbitasyon ng mga kaibigan, dumating ang sister in law from brazil at itong last week ay meron akong iginuide na tourist :) busy as a bee talaga! At hindi pa nagtatapos ang lahat ng yan, sa katunayan me extension pa hehehe dahil itong month na ito naku ang dameng mag be-berthday! ( isali na ang lahat ng mga mahal kong kapatid ( 4 ) na lahat ay Octoberian ) Actually this is my favorite month dame talaga okasyon magbe-birthday din si Claudebiko, ang aking pamangkin na si Aprilyn, ang aking kumare na si Ethel at ang aking mahal at favorite na tita Issa na nasa Vietnam! :) Teka unahin ko muna yung nag birthday ng September ang aking mahal na ama na nag birthday nung Sept. 26, 2011. That day, i was in Notre-dame church kasama yung aking tinu-tour na si DIEM - ang vietnamese friend ng aking tita issa :) Wala kameng car ng halos 10 days kasi dinala at ginamit ng aking sister in law sa probinsya para bisitahin ang aking biyenan so hindi ma i-tour at hindi nasundo at naihatid dahil walang sasakyan ang ending ay tour by boat, metro-bus transportation at lakaran to the max :)
after boating naglakad-lakad sa
Latin quarter papuntang
Notre dame church to say a little prayer/bday wish for my papa. From the old bookstore along the street that sells cards/postcards and souvenir items, abay nakakita ako ng Betty boop coasters syempre binili ko ito at pinicturan with diem :) Bago kame pumunta sa
Champs-Elysées ikinain ko muna ng ice cream ang aking papa. Take note ice cream ito ni
Berthillon :)
wow sun set sa
Arc de triomphe ginabi na kame sa kakalakwatsa nagpa picture kame actually sa isang professional chinese photographer kaso yung camera ko ata ang me depekto di bale medyo payat naman ako sa picture kaya ok lang hihihi nagpektyur-pektyur kame bago suyurin ang mga luxury boutiques at dito na rin kame nag dinner sa isang chinese restaurant, sa Elysée bonheur :)
ang souvenir ni diem : vietnam bill, calling card, at ang nakita kong card na kapangalan nya na kanyang binili at sinulatan ng walang humpay na pasasalamat sa aming pag-guide sa kanya during her stay in Paris. 4 days ay bitin! well, hope she'll come back again soon and see you soon diem :)
No comments:
Post a Comment