Sunday, July 31, 2011

Glow sticks/bracelets

At last, nahanap at naalala ko na rin ang pangalan ng mga makulay na stick na ito na kinalokohan naming bilhin at habulin sa isang walang kwentang café resto nung gabi ng music festival. Ang tawag dito ay glow sticks na nagagawa ding bracelets. Natagpuan at nabili ko ito nung bumili ako ng mga party favors sa 1.50 euros store para sa konting fiesta-fiesta nuong bday ni Bibingclara. Imagine pagkamura-mura bumili lang ako ng isang at ang laman sa loob ay 15 sticks. At dahil nakakaaliw ang kulay, kinabukasan bumili ulet si Claudebiko ng dalawa na ginamit nung gabi ng party ni Bibingclara :)
                                                                      lumio sticks
Kaso pang isang gabi lang ang gamitan nito dahil hindi na sya nag iilaw though makulay pa din sya ng konti sa umaga. Lahat kame ay nag bracelet tig-iisa at ang ilan sa aming bisita ay nag request ulet na bumili para dalhin sa kanilang pagbabakasyunan :)
24 cases of lumio stick
Kaya naman ang ending halos pinakyaw ni Claudebiko yung mga natirang lumio stick sa tindahan. 7 - ke mareng ella na gagamitin nya daw kapag nag di-disco sya hehehe 6 - ke ate yolly na dinala sa Sri lanka mag-iilaw bracelet silang mag-ina ( elodie ) sa tabi ng beach at 5- ke sorina na dadalhin nya sa pinas. At ang mga natira syempre para ulet ke Bibingclara para sa mga susunod pang mailaw na gabi hehe at sa sobrang dame ng glow stick sa bahay pinagdugtong-dugtong ni Bibingclara lahat at ginawang parang chinese garter nyek :)

No comments: