Another late post! powk! di bale huli man daw ay nakakahabol din hehehe. Tapos na ang music festival pero ang anak ko ay ma-musique kasi she is into instruments now ang sunod naman na pinabibili nya after ng trumpet ay piano hehehe maluho itong anak ko pano kasi nung umattend at nanood kame ng free concerts nuong music festival na ilang linggo na ang nakakaraan ay talagang inobserbahan nya lahat ng mga instrumento look proot proottt :)
happy birthday ang tinutugtog nya
Buti nalang hindi masakit sa tenga ang trumpet na nabili ko. Nung music festival abay, walang tigil na nagsasasayaw ang aking Bibingclara. Una nanood kame ng dance, dance na talagang mapapaindak ka kanta ba naman ng sound track ng dirty dancing at black eyed peas ang pinatugtog dun sa park. Hala lahat umiindak kaso maagang nag sara ang park kaya natapos ng maaga. Hindi kame nakuntento at lumipat pa abay, ilang hakbang lang sa may café merong tumutugtog din ng jazz. Nahinto kame ng ilang minuto tapos lumipat naman sa katapat na coffee bar na merong tumutugtog ng gitara, drums, at piano at me mga customer pa na pinakakanta. Dun kame tumambay at umupo at nag decide na umorder ng drinks. Abay, ang lokong waiter hindi kame inintindi nagbibingi-bingihan at kahit na anong kaway namin "deadma" namputs! ang purpose ko lang para umorder ng cocktail drinks ( non-alcohol syempre ) at beer para ke Claudebiko kasi ang habol lang namin ay yung straw na umiilaw sa dilim ( gosh nakalimutan ko kung ano tawag dun any helppp ) yung bang nag iilaw kasi pag me drinks libre yun para sa bata pedeng gawing bracelet pag naalala ko yung pangalan i will update this entry hehehehe buti nalang mabait yung katabi naming kabataan na hindi kailangan yung straw nyang nag re reflect ayun hiningi nalang namin at iniwan namin ang lamesa. Kainis yung waiter gusto ko pa naman subukan yung cookie cocktail achuchoo nila. Late na kameng umuwi at naglakad lang so ganyan namin nairaos ang aming pakiki music festival 2011. Fun! fun! fun! :)
No comments:
Post a Comment