Thursday, June 30, 2011

Miryenda

Kapag sobrang init, yan ang miryenda ng lola mo. Sa kadahilanang mainit, hindi ko ninanais na gamitin ang aming oven para mag bake ng cake o kahit na anong pastry na pedeng miryendahin. Praktikal ang bumili ng tinapay sa labas tulad nalang ng brioche na binili ko na napakalambot na merong bits of chocolates. Cherry na aking pinapak din ( sarap malutong at matamis ) dahil season sila ngayon at makikita sa lahat ng bilihan ng prutas at gulay. At ang pampamatid uhaw na softdrinks ng bayan ang coca cola coke :)
1/2 kilo cherries, 2 slices of brioche with chocolates and one small bottle of coke
Oh di ba puro pampapayat ang miryenda ko? in fairness, diko naman inubos ang kalahating kilo na cherries syempre me kahati ako, ang aking mag-ama. Mamaya punta ulit ako sa palengke bibili ulet ng cherries, pero teka sasamahan ko na rin ng peaches at apricots ang dame na nila ngayong naglalabasang prutas. Love you summertime! teka samahan ko na rin ng pakwan! favorite itits ni Bibingclara :)

No comments: