Kung meron fête de la musique / music festival abay meron ding fête des voisins / neighbor's day :) kaya lang ito ay nakalipas na, ito ay nuon pang may 27 so meaning ito ay late post powk! :) Ang neighbor's day ay pagtitipon-tipon ng mga kapitbahay kung saan nagkakachance na maka chika at mag share ng kahit na anong pedeng pag usapan. Two nights ago meron kameng narinig na ingay mula sa ibaba ng building ito ay yung mga kabataan na walang magawa sa buhay kundi mamurwisyo at pinurwisyo ang mga kotseng nakaparada sa ibaba ng building ang nangyari? lahat ng side mirror ginalaw kasama ang side mirror namin. Hindi nila ninakaw o kinuha ang mga side mirror ng lahat ng mga kotseng nakaparada pero ito ay kanilang pinag-tripan at binali bali buti nalang ang side mirror namin ay hindi nakuhang sirain at ang kamalasan yung nakaparadang kasunod ng kotse namin ay nasira ang kanilang side mirror ( nilagyan nalang nila ng packing tape para ma repair ) mahal ata ang bumili ng bagong side mirror. Ang ingay ay aming narinig bandang 10h30 ng gabi gustong silipin sana ni Claudebiko pero pinigilan ko dahil sabi ko ingay lang yun ng tao sa labas not knowing na meron palang ginawang purwisyo. Pero kung ito ay na caught in the act nya ito ay kanyang pipicturan ( abot ang zoom at kapag me flash tiyak magsisipag tigil ang mga kabataang ito ) para mag reklamo at matakot kahit papano ang mga me kagagawan nito. Ang haba ng kwento lol pero ang real kwento ay ito. Ang nabalian at nasiraan ng side mirror ay ang mabait at generosong kapitbahay na nagbibigay ng rhum ehem at masarap na tsaa sa amin huh :)
I have much more to enjoy hindi ko pa nga nauubos yung last time na
vanilla flavored tea na bigay nila eto at may kasunod na. Maraming salamat kapitbahay sana lagi tayong magkapit-bahay :)
No comments:
Post a Comment