Saturday, December 4, 2010

A generous neighbor

Nalalapit na nga talaga ang pasko kasi merong kapitbahay na kumatok sa aming pinto at nagbigay ng simpleng pasalubong na galing mula sa kanilang lugar. Panahon na talaga ng pagbibigayan!
white rhum para ke Claudebiko
at tsaa naman na vanilla flavored para sa akin
Sa pagkasubok ni Claudebiko sa kanyang rhum ( aperitif ) ito daw ay mild lang pero ang sarap! di katulad ng white rhum na lagi naming binibili sa supermarket na sobrang tapang at mataas ang alcohol. Si Claudebiko ay umiinom ng rhum mga tatlong beses sa isang linggo lalo na't kapag pagod sya galing sa trabaho, bigla ko tuloy naalala ang papa ko tanduay ( amber rhum ) pa nga ang tinitira nung sya ay bata-bata pa hehehe. At ang aking masasabi naman sa lasang vanilla na tsaa, abay! pagkasarap-sarap! lasang lasa talaga ng orihinal na vanilla. Pede syang inumin pang almusal o kahit pag nag mimiryenda lalo na ngayong malamig ang panahon, pang pa init ni Claudebiko ang rhum at mainit na tsaa naman para sakin. Merry x-mas neighbor! salamat sa gift :)

No comments: