1. Una, inilagay ko sa maliliit na lalagyan at niluto sa gitnang posisyon ng steamer.
kinalabasan: ito ay nakain dahil luto pero medyo tuyot ang ibabaw
2. Pangalawa, inilagay ko sa malaking bilog na lalagyanan at ipinosisyon sa pinakaibabaw ng steamer.
kinalabasan: ito ay hindi nakain at aking itinapon dahil hilaw at pagkatigas-tigas
3. Pangatlo, ang ibinalot sa dahon ng saging mula sa aking mega effort na inilagay sa unang istiman.
resulta: perpekto! ito ay talagang suman sa lihiya wooohooooo
binalatan ko ang dalawang piraso at sobra akong excited na tikman
dyaran! ito ay aking binudburan ng muscovado sugar na mula pa sa pilipinas
Tsibugan time : Hindi ko ito ipinakain sa aking unica hija dahil aking napag alaman na ang ginamit kong lye water na binili mula sa isang filipinong tindahan dito sa paris ay expired na hellloooo nakalagay sa bote 2010 pero ito ay tinakpan ng maliit na papel na label at sa katotohanan lang ang totoong petsa ay january 2006. Ako ay nawindang dahil baka kame ay ma food poison dahil lng sa kagustuhang kumain ng suman. Naalala ko itong isang bote kong lye water ay huling ginamit ng ako ay gumawa ng pichi-pichi.
Aral : Siguraduhing hindi pa expired ang anumang produkto na gagamitin lalo na sa pagkain. Maging maingat!
at ang huli, wag nang bumili sa hindi pinagkakatiwalaang tindaan na walang alam kundi manloko ng kapwa basta lang kumita. Ako naman ay hindi nagagalit. Basta ang masasabi ko lang masarap ang suman ko sa lihiya bow! :)
No comments:
Post a Comment