Sunday, February 27, 2011

Suman malagkit

Dahil pa rin talaga sa pagiging matakaw at kahiligang kumain ako ay gumawa ng naman ng suman pero ito ay sumang malagkit. Simple lang ang mga kailangan at ginawa ko lang ang aking sumang malagkit na parang gumawa ng tipikal na biko na hindi lalagyan ng asukal. Ang mga sahog ay : 2 tasang bigas na malagkit, 1 tasang tubig ( pambabad ), 1 tasang  gata ng niyog, asin. Ibabad ang bigas na malagkit sa tubig ng isang oras, patilain, lagyan ng asin at ibuhos ang gata ng niyog at haluin. Ibalot sa dahon ng saging. Ilagay ang mga naibalot sa isang malaking kaldero at buhusan ng tubig hanggang matakpan ang mga suman ng naibalot na lulutuin. Pakuluan ng isa't-kalahating oras sa katamtamang init. Tingnan at buksan ang isang balot kung ang bigas ay tama na ang pagkaluto. Palamigin.
tama lang ang pagkaluto pero hindi pare-pareho ang hugis me malaki at merong maliit
                                                        suman sa lihiya - suman malagkit
( ang natirang lihiya at tinapon natakot akong kainin ulit - hindi ko nilagyan ng tali ang suman malagkit )
pwedeng kainin na merong asukal o makapuno sa tabi
Ito ay aking isinerve nung kame ay merong bisita. Pinoy na pinoy ang aming dessert. Masarap ang aking naging suman na malagkit at kinain ko ito kahit na walang matamis o asukal. Malinamnam at lasang-lasa ang hinalo kong gata ng niyog at ito naman ay nagustuhan nila :)

No comments: