Friday, November 5, 2010

Halloween 2010

Nahuli ang aking post pero last na ito! ay hindi pa pala meron pa palang mga foods hehehe teka! nahuli ang picture ng group dahil na low batt ang aming camera at ginrab ko pa ang latest pic sa isang friend na me magandang kamera kaso ang dilim ng kuha pinatay ata ang ilaw nung kame ay nagpicturan kaya ayun ang dilim ng picture at hindi rin ata nagamitan ng flash. almost 3 years na pala namin na ce celebrate ang halloween at naaalala ko pa ang aking isang kaibigan dito sa picture na una kong nakilala at hanggang sa dumami at naka gain ako ng mga iba pang friends ng dahil sa kanya. Na mi missed ko na sya pero siguro ganun talaga dahil di na sya sumasama sa tropa :(
halloween 2008
At nung last year na halloween namin ay nakasama ang aking tita na nakatira sa uk na nag tour pa treat ng kanyang english husband para sa kanyang birthday ( oct.29 ) kaya ayun naka join sya at lalo pa kameng dumame at nagkasayahan ng husto dahil me kasama sya mag ina na filipina na taga italy na nakilala nya lang sa bus tour :)
halloween 2009
Etong last sunday eto nagkasama-sama ulet! kame-kame ulet pero merong iba naman na nadagdag. 20 people all in all! maingay, magulo pero napakasaya. me nagkukuwentuhan sa kusina, me kumakausap at nakikipag-laro ke mia at merong nagpapalaro ng games. Ayus ang aming celebration kahit na medyo minalas nung bago mag gabi paano ba naman si Claudebiko ay nahulog, nasira ang aming tinutuping bangko habang siya ay nagde decorate ng sapot sapot ng gagamba na kulay itim sa may gilid ng wall at ceiling. Hanggang ngayon iniinda nya pa ang sakit. Nahulog sya sa may sala habang ako naman ay minalas ding nililinis ang aking cheesecake na nabagsak sa kusina. Nahulog ang cake nung ilalagay ko na sa freezer para palamigin ng 2 oras kaso hindi ko nai-lock ang aking spring form baking pan kaya ayun nabagsak :(
halloween 2010
Patapos na ng kame ay nagpicture-picture ng grupo ( bago umuwi si mama guds ), eto mga mukha na talaga kameng aswang sa puyat at nalusaw lusaw na ang make-up hehehe. Next year naman ulet! Uwian naaaaaaa sa susunod mga naka- pula naman hihihi :)

No comments: