Friday, November 5, 2010

Halloween baby

Halloween pa rin ang mode ko! hehehe gosh, early this morning around 5am nagising na si Bibingclara at nag iiyak ng walang kadahilanan extension pa ata ng kanyang halloween party last sunday hehehe siguro nanaginip sya ng masama kaya ayun mega-ngawa at syempre ako naman ay naobliga na gumising na din at ang naging ending nag-laro kame ng modeling clay kahit na medyo pikit-pikit pa ang aking mga mata sa antok habang si Bibingclara naman ay full of energy! Like last sunday nung kame ay nag party non-stop ang kanyang pagdadaldal sa kanyang mga tita at nagsilbi syang entertainer nila ang daldal! Sya lamang ang bata at hindi nakadalo ang kanyang frend na si ate axel kaya sya lang talaga ang aming baby nung halloween :)
2008 wala syang pakialam kahit anong takutan dahil baby pa sya naka attend dito si ate axel nya
2009 wala pa rin syang pakialam sa takutan dahil me kalaro sya ang aking 2 y/o na pinsan
2010 sya lang talaga at natatakot na sya ngayon sa maskara pati sa kanyang panaginip eh nadadala nya
Dapat ang kanyang costume dito ay white na jumper kaso naihi sya ( natakot ata ulet ) kaya ayun hinubad ko at nung time na sya ay naihi ay nasa sulok at nakatahimik habang ako ay nag me make up siguro ang nasa isip nya bakit ang itim ng gilid ng aking mga mata, bumaling sa kanyang ama at inobserbahan din bakit me kurbatang kakaiba ang kanyang papa. Nung dumating ang kanyang tata jenny  nagbihis at naisuot ang kanyang tatlong taon nang custome na nasa picture :)

No comments: