Saturday, April 27, 2013

Basahan, tatlo isang daan

I do vacuum this morning, ( yes, saturday linis time ) ng mapansin ko ang mga magandang basahan na aking binili sa palengke sa Pinas. Nasabi ko sa sarili ko, Sosyal! me dating at mga basahang nabili ko. Yun nga lang yung isang mahaba medyo me kabigatan kaya naman bago ko ito binayaran sa binilhang kong tindahan talagang ipinakilo ko pa ( opo sa kiluhan ng bigas sa tapat ng bilihan ) wala namang isang kilo ang bigat kaya naman binuy ko silang apat (",)
syempre me designated area sila yung isa sa kusina...
yung isa sa toilette...
yung isa naman sa may access palabas ng terrasse...
at yung mahaba ginawa kong sapin sa sofa
Sino ba mag-aakala na tatlo isang daan lang yan next time, mas bibili pa ako ng marami at iba't-ibang kulay. Yung mahaba 50 pesos lang. Gusto ko pa nga sana iyong punit-punit na t-shirt na binuhol-buhol na tinirintas-tirintas kaso, wala akong nakita eh. Mababaw lang ako Ineng! simple pero Rock! :)

No comments: