Monday, March 19, 2012

Mia at 2

Birthday ni Mia ngayon ang aming mahal na pusa. 2 years old na sya. Matakaw, malikot at makalmot. Nung nakaraang linggo pinaputulan ang kanyang kuko, pero kahit upod ang kuko abay nabiktima si Claudebiko nung biyernes ( nakalmot dalawang magkabilang palad ) pano ba naman binuhat kasi tinimbang para malaman kung ilang kilo na ba ang kanyang timbang.
Mia our cat
Resulta? 5 kilo na sya at sabi ng veterinarian dapat hindi sya lalagpas ng 4 na kilo. Pano kasi ang takaw ( mana sakin ) kain ng kain tas tulog ng tulog hala kelangan ni Miang mag-exercise. At kahit na minsan pasaway si Mia ( umagang-umaga nang-gigising na at nag-iingay dahil siya'y naglalaro na ) syempre gagawan ko sya ng daga chocolate cake ngayon pero di sya ang kakain kundi kameng mag-ina hahaha syempre hindi lang yan, binilhan ko din sya ng favorite nyang pagkain para special talaga ang kanyang day :)

No comments: