Hep! hep! hooray! as i mentioned, na i will post all the gifts that we have received so eto na sila. From exchange gifts sa aming christmas party hanggang nung kame ay nag-noche buena abay ang mga gifts are still coming :)
ang model ng mga regalo hehehe
ang na-gets namin sa tatlong exchange gifts na nilahok lahat ay ilalagay sa kitchen ( happy kitchen ) notice na ang isang regalo ay di pa nabubuksan dahil talagang ni-request pa na ito ay buksan ng alas dose hehehe duon kela mama goods :)
ang nabuksan na gift ay ang frame na "family" tas yehey nakatanggap ako ng cake tray na ka partner nung glass sweet box above, pika-pika tray, candles, shower gel at pabango :). Syempre kung happy ang adults, mas lalong happy ang mga bata kinabukasan tulad nalang ni Bibingclara na nagbukas ng kanyang mga regalo the next day :)
talagang mega-punit ang gift wrap
that's what she really like ang sewing machine mananahi ang anak ko :)
Ang dameng regalo ng papa nya sa kanya bukod sa black board, accessories, music instruments, sewing machine abay me scooter pa ang Bibingclara :)
the maxi medyas ni Santa
last treats assorted candies and chocolates!
Yeah, wala akong regalo kundi ang dalawang malaking medyas na talagang pinuno ko ng mga kendi at tsokolate. Naalala ko nung bata ako, ganyan din ang ginagawa ng aming ama ( medyo sosyal nga lang ang medyas ko hehehe ) dun sa may sapatusan nilalagay nya sa lumang medyas yung mga surprise na kendi na binibili nya at pinaniniwala kame na galing iyon ke santa claus. Ang style ni Papa papatulugin kame ng maaga tapos iyon ang aming hahalungkatin kinaumagahan at sinasabing ito ay bigay ni Santa hehehe cute noh naalala ko nun kahit simpleng kendi at mumurahin lang patok na sa aming magkakapatid. Ang sarap maging bata at minsan lang maging bata. Ang pasko ay bigayan at ito ay talagang hit sa mga bata. In my case, talagang sinadya kong wag regaluhan si Bibingclara ( nagtipid daw ) kasi naman bukod sa mga damit na regalong bigay ng mga tita nya ang dame nya nang mga laruan at nangungunsumi akong magligpit ang dame at ang kalaatttt :)
No comments:
Post a Comment