mini altar
I didn't had the chance na magdala ng kahit na anong food or cake man lang, rush kasi yung invite kaya flower nalang ang naisip kong i-offer katulad ng inoffer din ni mama pat :) roses! roses! after ng seryosong dasalan ang next meeting place ay sa may park para dun magsalo-salo sa aming mini piknikan :)
wapak! dameng tsibog ..... pinakbet, pritong salmon, gisang hipong, steamed salmon
litsong manok at mala chopsuey na gulay
tortang talong
kanin at masarap na homemade atchara ni manang
Hindi ko na babanggitin ang pagkadame-dameng dessert dahil baka magutom lang ulet ako hehehe. Pagkatapos ng kainan, nag-meeting din ang aking mga kaibigan na member ng association. I am not a member ako ay taga-chibuger lang pero syempre ako ay me partisipasyon din kahit pano.
tumulong mag-gupit ng crepe paper na gagamitin para sa celebration ng independence day sa paris
nung una hindi ko alam gawin pero sinampolan ako ni clé
now i get it! kailangan pala munang itupi-tupi ang papel gamit ang mga daliri or ano mang mahabang pantulak like ballpen o stick maging tinidor pede :)
nung una di ko alam gumawa ng bulaklak laging palpak! pero sa tulong ni ethel nag-success din ako
dyaran! natuwa ako sa na-accomplished ko picture ko yan kuha sa mobile ko na sinend ko ke Claudebiko
Madame-dame din akong nagawang bulaklak at pagkatapos, ako ay hindi na nagtagal pa dahil ako ay me katagpo pa ang aking mag-ama dahil ako'y hinihintay nila para bumili ng bisikleta ni Bibingclara. Up next, post ng bagong bike ni Bibingclara :)
No comments:
Post a Comment