Saturday, July 2, 2011

Shopping bags

Sako sa tagalog, sac sa français at sack naman sa english. Ah whatever! i love sako, sako bags. Mga sako na nabibili kapag ako ay namamalengke. Ito ay matibay! speaking of sako, sa dame nila hindi ko na alam kung saan sila ilalagay kaya naisipan kong ipadala ang iba at isama nalang sila sa package box na aking ipapadala sa pilipinas and speaking of package box, hanggang ngayon ay hindi ko pa matapos tapos at mapuno-puno at ng ito ay masara na sa kadahilanang ako'y super busy sana makahabol ako sa pick up bago pa magbakasyon ang aking favorite cargo na pinadadalahan ko nito :)
                                          shopping bags ni :
Papa
Mama
Ate kong panganay
Ate kong sumunod
Kaisa-isa kong kapatid na lalaki
at ang aming pinakabatang bunso
Wish ko lang na matapos ko na ang aking pabagahe dahil sa susunod na mga linggo ay lalo pa akong walang masyadong time at super magiging busy ( maraming gatherings na aattenan ). Kailangan ko pa palang bilhin ang kulang katulad ng bilin ni papa na top-sider at ang mega wish ng aking kapatid na lalaki na sapatos. Binabalak kong bilhan sila sa Decathlon dahil dito lamang nababagay ang budget ko hehehe. Sana matapos ko na ang aking box with love at ma-packing tape na ni Claudebiko. Nang sa ganun kapag dumating ang box, sila naman sa pinas ang makapag shopping using those shopping bags :)

No comments: