Saturday, July 23, 2011

Little prince

After kong mai-blog ang mga prinsesa, ngayon naman ay ang munting prinsipe. Ito ay merong istorya sa aming love story ni Claudebiko. Alam nyo ba ito ang unang-una na aklat kwentong pambata ang aking natanggap mula sa kanya. Ang The little prince sa ingles / Le petit prince sa pranse at Ang munting prinsipe naman sa tagalog tulad nitong nasa ibabang picture :)
The little prince sent to me by Claudebiko year 2000
Ang munting prinsipe bought from National Bookstore
Di naintindihan ang english version kaya bumili ng tagalog version nyek! hehehe Sa katunayan itong kwento na to ay ikukuwento ko din ng tagalog ke Bibingclara pero malamang na bumili rin ako ng french version nito kung ito ay hihilingin. I have to check out le petit prince sooner and buy one in the bookstore. Actually, me konting idea na si Bibingclara kung sino ba si munting prinsipe kasi tuwing umaga lagi nyang nakikita ang tin can na ito ...
 little prince tin can ( ito ay case ng t-shirt na natagpuan ko sa bahay nuong dumating ako dito sa france nung 2006 siguro nilagyan ito ng t-shirt ng anak ni Claudebiko na nabili sa souvenir shop )
ito ay naging lagayan namin ng biskotso
Si little prince ay matatagpuan din sa kusina hindi lamang sa book shelves hehehe. I must grab a copy of little prince french version ng ito ay maikuwento sa aking unica hija :)

No comments: