Friday, June 3, 2011

Nescafé kape

Ako ay napakahilig magkape at ang kape ko ay nescafe. Nung ako ay nauwi sa pilipinas bumili ako ng flavored coffee mula sa super market sa may SM instant coffee stick ang tamis sa aking panlasa. Hindi na ata ako nasanay sa maasukal na kape. Ang gusto ko na ngayong kape ay matapang at walang gatas. Nuon ang ritual sa umaga yun bang bibili sa tindahan ng isang sachet ng kape ( pang isang tasa ) tapos x3 ang sachet ng coffee mate ( cremier ) hehehe kaloka :)
flavored coffee sticks from nescafé
Si Claudebiko ay mahilig ding magkape at dahil kame ay mahilig sa kape napuwersa ko syang bumili ng coffee maker, pero hindi lang basta coffee maker syempre yung coffe maker at kape ni George clooney hehehe nung nakaraang taon nya ito binili at kasama nya si Bibingclara nung ito ay pinick-up sa bilihan.
                                    excited din si Bibingclara akala mo pede rin syang magkape
binasa ang manual unang buklat :)
pinicturan for the sake of blog our nespresso citiz
at ang taray ng capsule minsan eh me limited edition
Umaga, tanghali, miryenda o minsan sa gabi anytime we can enjoy coffee à la george ( kilig ). Bakit kape at coffee maker ang post? kasi kadalasan kundi coffee maker eh appliances sa bahay ang inireregalo ( classic gifts )  sa mga nanay tuwing mother's day. At ang natanggap kong pakunswelo nung linggo? abay tsokolaté ng nespresso up next ....:)

No comments: