Happy easter - Joyeuses Pâques
Sa araw ng pagninilay-nilay siguro ay nakarating na ang aking mga easter cards na ipinadala sa pinas pero malamang sa kadahilanang holiday baka ito ay naantala sa post office :( . Sa totoo lang hindi ako bumili ng mga tsokolate para itago sa aming halamanan ( sa may balkon ) katulad ng nakaugalian, sa kadahilanang malayo palang ang easter season ay marami ng natanggap na tsokolate ang aking mahal na anak tulad nalang ng mga sumusunod :
2 egg shaped chocolates and kwak-kwak stuff toy from my manugang Cynthia
Lindt rabbit shaped chocolate from my bosing
at maxi egg chocolate Kinder from kaibigang Ophée
*kahapon another kinder milk chocolate from kaibigang sorina
Milka egg chocolate from Bibingclara's ate axel
( hindi tinantanan kagabi palang si Bibingclara ay nag fiesta na sa kanyang mga tsokolate)
Hindi na naitago para hanapin ang mga tsokolateng ito sa kadahilanang ito ay nilafang na namin hehehe inumpisahan ang dalawang itlog, sinundan ng kagatin ang ulo ng kunehong tsokolate ( sinabayan ko ng kape kanina ) at ang panghuli na lalafangin ay ang biggies egg chocolate na hindi pa naka-crack. Exited akong makita kung ano ang nasa loob ( kinder surprise nga ). We'll try itong biyakin next time dahil kailangan din nameng magdahan-dahan sa pagkain ng tsokolate dahil baka sumakit ang aming mga tiyan kapag nasobrahan.
Have a nice egg chocolate hunting sa mga bata hanggang mamaya! courage! courage! ito ay exciting! :)
No comments:
Post a Comment