Thursday, September 30, 2010

Dried flowers

Last minute ng aming pag alis sa bahay ng aking biyenan pauwing paris ako ay nagmadaling pitasin ang mga bulaklak sa may hardin. Alam kong sa biyahe pa lang sila ay matutuyo na dahil sa sobrang init pero ok din naman me appeal din sa akin ang mga dried flowers :)
tulips at sari-saring bulaklak
Pagkauwi nilagay kaagad sa flowers vase at tumagal din naman ng mahigit na isang linggo. Naisip kong ok din pala ang mga pinatuyong bulaklak katulad nitong isang bouquet na dried flowers na naka display sa residence home ni mother in law na ini offer sa kanya ni sister in law hmm... pangmatagalan ...
dried flowers
Ito ay hindi na kailangan pa ng vase ipinahiga nalang ang paglagay. Naisip ko din na ok din pala ang idea ng paggawa o pag compose ng sariling Potpourri using dried plants and flowers at pede pang mamili ng ibat-ibang scent. Magandang pang regalo. Panalo! hmm... makahanap nga ng magandang lalagyan para sa mabangong potpourri na lilikhain :)

2 comments:

MomRizza said...

bright idea! kaso hindi pwede sa atin yang mga vases na yan kasi uso ang dengue :(

Pinayfries said...

uso nga ang dengue kaya ingat ingat talaga :(