Thursday, September 2, 2010

Birthday ni Mama Goody

Nasabak na naman kame sa kainan hehehe nung sunday ay aming unang imbitasyon pagkagaling ng bakasyon. Birthday kasi ni Mama Goody. Si Mama goody ay mama ng lahat hehehe madami syang anak at halos lahat kame ay inampon nya ( nag pa ampon na rin ako pero di pa nga lang official hehehe ). Actually, mother na mother talaga ang dating nya dahil mother god sya ni Bibingclara. Tawagin ko kaya syang mareng mama goody? nyay! di bagay! Mama guds nalang :) Wag nang pag usapan ang  edad, pagusapan nlang kung ano ang mga nilafang! Ito ay ginanap sa isang park ( khit mahangin at medyo malamig ) kung saan ang mga kapwa filipino ay nagkatipon-tipon :)
                                          Kumare kong anak ni Mama guds ( ang mag- ninang )
Bongga ang kainan sa park, me lechon ( de leche ), pansit, chopsuey, embutido, adobo, lumpiang shanghai, bbq wings, pritong isda at dinuguan. Talagang filipinong-filipino talaga :) In fairness napakasarap ng lechon na talagang nagustuhan ni Bibingclara at ito ang pinapak papak nya ( they ordered from french delicatessen shop ) akala ko nga filipino ang gumawa di pala ang sarap nya na miss ko tuloy ang lechon na gawa sa atin at ang sauce na mang tomas! hmm... :)
Lemon cheesecake na i baked for Mama goody. Muntik ko na ngang di dalhin dahil ako ay naaasiman ( i put too much lemon juice and used cream na maasim na. Nag experiment eh! double toppings kasi ang ginawa ko ) nasarapan naman sila di naman daw maasim! ayun! ubos taob ang aking baking tray at inuwi ko ng walang hugasan ang aking plato as in simot hehehe 
Custard cake ni Mama guds na gustong-gusto ko ang sarap ng tinapay sa loob ang lambot
Putong makulay ( from Gudilock hehehe )
Cassava cake ( na me konti daw custard on top according to mama guds )
 Buko pandan ( na talaga namang nakadalawang baso akong ulet hehehe )
Masarap lahat! lahat ng desserts ay si mama goody ang gumawa ( natulog kaya sya? ) masaya ang naging celebration sa park ( me nagkukuwentuhan, me nagtagayan pa ng tequilla, and me nag bi bingo pa hahaha ang saya ) yun nga lang nauna na kameng umuwi si Bibingclara medyo nilalamig na (mahangin kasi ) buti nalang naisipan kong magbaon ng kape sa thermos ayun nakapag kape muna kame ni Claudebiko ( at ng ilang friends ko ) bago kame umuwi. Obvious bang sweet tooth? puro matatamis at mga dessert ang finocus kong lantakan eh hehehehe :)

2 comments:

MomRizza said...

Uy Maruh, ang sarap sarap naman ng picnic na iyan...punta ako next time ha ;) hahaha!!! parang ang lapit mo lang no? nga pala, tataba tayo lalo nyan, puro lafang!!!

Pinayfries said...

ay talaga namang puro matatamis kaya ang beywang di lumiliit hehehe oo ba invited ka hala tara nah call kita pag kainan time na hehehe parang ang lapit talaga noh? ikakain nlang kita riz! ano type mo unahin ko? :)