Wednesday, July 14, 2010

Miss kalmot

Meet the award winning Ms. kalmot Mia meow 
Bibingclara and Mia loves to play together
sometimes si mia ay nagsusungit at nagtataray 
kaya si Bibingclara ay nakakalmot sa braso ( she looks proud of it )
A while ago, si Claudebiko ay nakalmot sa kamay ( dahil pinainom ng gamot na tableta na nireseta ng veterinarya ) kaso hindi nag success ayaw lunukin kaya sinubukan kong ipain sa pagkain pero hindi parin! hmm matalinong kuting!
                                       At daytime, kame ay masayang naglalaro
                                      Ngunit ingat pa rin pagkat siya ay napaka lambing
                                       Ako tuloy ay napapikit sa pektyur
Ganunpaman, sa lahat ng kapilyahan ng aming maliit na pusa ( kinalmot ang wall paper, kinakagat ang aming paa, sinira ang aming paper lantern lamp, kinain ang tanim na parsley sa ibabaw ng lamesa sa balcony, naglalakad sa keyboard, kinakalkal ang mga kalat kong plastic kaya ako tuloy ay lalong makalat hehehe ) ay mahal pa rin namin siya.
Minsan lang maging bata kaya sinusulit ni Mia hehehe pero in real siya ay napakabait and so very sweet. Wala syang kakaibang odor super linis at hanggang ngayon di pa din naglalagas ang kanyang hair kahit humahaba na ( salamat mia wala pa akong va vacuumin hehehe ) at sya ay bumibigat na din ang bilis lumaki huh! Nite nite ! mia ( natutulog sya sa kama namin sa may tabi ng paa ko ) good girl :) 

2 comments:

MomRizza said...

Anak ng pusa oh! hehehe... naaalala ko tuloy yung alaga namin nung maliit pa ako... ngayon di na ako mahilig sa pusa... ang iingay kasi nila dun sa bubungan namin pag gabi na ;) Si clara naman, di affected sa kalmot ni mia, hehehe...kinabahan naman ako sa pic mo Maruh, kala ko nakalmot na right eye mo!!!

Pinayfries said...

kinabahan ka ba riz? hehehe mabait ang pusa namin sobrang lambing pero iniingatan ko pa rin makalmot kasi pag naglalaro sila ni Bibingclara kung san saan sya hinahawakan kaya medyo lumilikot at nag de depensa si mia. all in all very sweet sya at saka laging ginugupit ang kuko nya para safe. me isa akong frend me phobia nman sa kuting hehehe :)