Friday, May 28, 2010

Anak ng kuto

I really dont think if this would be a good idea to post after my food postings hehehe well, just to show a good product i have tried most especially to all my girls ( pamangkins na estudyante ) in Philippines. Ako nuon ay binansagang reyna ng kuto dahil nung ako ay estudyante pa ay maraming nag bo ball room na kuto't lisa sa aking ulo kaya dumating sa point na ako ay nag pa bob cut! huh alam yan ng mga classmates ko  nung elementary lalo na si gigi at ero hehehehe
 
Apaisyl   shampoo product na anti - kuto ( family size ) 
 ( no insecticide )
I was obliged to use this product kasi ako ay kating-kati hindi ko alam kung saan ko nakuha ang kumakati sa aking ulo. Maaaring nakuha ko ito sa parlor sa pinas kung saan ako ay nagpa trim o di kaya sa init o di kaya sa mga bata na ka-nursery ni Bibingclara. Lahat kame ay nag treatment maging si Claudebiko. Kaya pala si Bibingclara ay kating-kati rin at di mapakali at halos di makatulog hehehe. Well, buti nalang after ng 1st day treatment nawala ang kati, 7th day treatment ako nalang ang nag shampoo at si Claudebiko ang nag a apply sa pagkahaba-haba na buhok ko. Teka bakit ba ako nangangati ngayon habang ginagawa ko itong entry ko hehehe joke! wala na akong insekto sa buhok gone na sila napaparanoid lang ako :)
Smile pa din ako kahit na ako ay di mapakali dahil ang kati talaga
( kamukha ko si siobe dito ah )
 I was very impatient to rinse my hair kasi excited suyurin kung talagang madami sila 

On the 14th day of treatment wala na sila dedbol at ubos na rin ang aming product. Ang mga kuyumad na aking nakuha ay talagang wala ng buhay buti nalang hindi nagsugat sugat ang aking ulo.  Buti nalang din naagapan ko ang pagdami ng imported kong kuto walang hiya hindi sila kulay itim as in Tisay sila hehehe ang katiiiiiiiiiiiiii. Buti nalang i followed Claudebiko's advice ( ang aking butihing pest control agent ). Dahil if i waited more, they will multiply more and more. They give eggs up to 10-30 per day huh buti nalang! buti nalang! I hope na ang aking mga pamangkin na mahahaba ang buhok ay maalagaan nila ng mabuti ang kanilang hair lalo na't sa init sa pinas madaling makakuha ng kuto. Well, tell me if you will need the product. Effective sya. Ang ending! Nagpagupit ako! Bye bye long hair :( 

2 comments:

Rizza said...

Waahhhh... Maruh, super itchy din ang ulo ko, pero pinatingnan ko naman kay hubby wala naman, ni isang lisa, hehehe... yung anak kong bunso nagkaroon ng konti last month, buti na lang napansin ko agad, kaya naagapan at wala na siya :) ngayon nga para na rin akong napa-paranoid pag nangangati scalp ko, baka may kuto na rin, hehehe...

Pinayfries said...

ay ganun ba oo nga buti napansin mo kaagad. talagang ang kati kapag gumagapang sa ulo ang sarap tirisin hehehe :)