Tuesday, December 10, 2013

Rakista

Hindi kame mga headbangers, ganyan lang talaga ang itsura namin pagkatapos maligo at mag-patuyo ng buhok. Aba, sa panahon ngayon kelangan tuyong-tuyo ang buhok pagkatapos maligo at bago lumabas ng banyo mahirap ng mapasukan ng lamig lalo na sa panahon ngayon na pagkalamig-lamig. Meron naman kameng heater sa bahay pero me temang malamig ang temperatura sa loob. Buti nalang dependable ang aking hair dryer na babyliss.
like mother, like daughter --- ayaw nya din magpagupit
Sabi ni Bibingclara, " mama, ayokong magpagupit kasi nagpapahaba ako ng buhok gagayahin ko si rapunzel " hahaha ang sabi ko naman " ako, anak ayoko magpagupit kasi wala akong pagbayad sa parlor " nyeee!

No comments: