Ang banat para sa araw ng mga puso, strawberry cake o tinatawag na fraisier sa french. Hindi lang ito gusto ng mga bata ito rin ay pang-matanda. At dahil nung summer ko pa ito ginawa ( panahon na maraming strawberry ) para sa aking nag-birthday na kaibigan na mahilig sa strawberry, abay nakalimutan ko na ang recipe at hindi ko na matandaan kung saan ko na nilagay ang kopya kong papel :( Well, susubukan kong i-recall ma testing ang aking memory pero hop! sorry wlang measurements kaya ito ay medyo messy na gayahin :)
as it shows tatlo ang eggyolks so meaning tatlo ang eggwhites na aking minix na me kasamang asukal ( 1/2 cup ) para sa creme mixture ( isinama na din dito ang isang brick na all purpose cream )
gumawa ako ng dalawang batch na ( mamon ) o sponge cake. Ito ay flour, butter, itlog, baking powder at asukal lamang :)
stawberry cake
I-assemble lamang ang cake at make-up-an ng ginawang cream. Kapag sobra-sobra ang cream katulad ng ginawa ko tinapalan ko ang cake sa may gilid-gilid at binudburan ng chocolate na gine-rate ko using cheese grater. I decorated with stawberries na hiniwa into two. Teka ang hindi ko lang matandaan kung pinalamanan ko din ito ng fresh strawberry sa loob aha..parang oo na parang hindi. Well, kung gusto na ma-istrawberry ngayong Valentine's day, wag na gumawa ng cake na walang precise na measurements hehehe umamoy nalang ng strawberry scented air freshener ( joke! ) o better yet pinaka-simpleng bumili nalang ng strawberry at isawsaw sa tinunaw na tsokolate! ohh so romantic sweets! :) Happy sweet day!
No comments:
Post a Comment