Sunday, February 12, 2012

Bibingka

This is what i actually missed, ang pagkain ng Bibingka. Alam ko tapos na ang pasko, ang panahon ng pagkain nito. Masyado lang siguro akong excited dahil ang aming pasko itong taon na to ay sa aking bansa. Will spend christmas holidays with family and friends at ang goal ay kumain at magpakasawa sa Bibingka at Puto bumbong. At speaking of Puto bumbong ( another filipino rice cake delicacy ), parang gusto kong gumawa nito dito dahil di na ako makapag-antay na matikman ito ulet hehehe ( takaw ). Sa mga nakikita at napapanood ko kung pano ang paggawa nito wari ko'y ito ay madali lamang pero ang nag-iisang hadlang, wala akong bamboo stick steamer :(
Bibingka i made here with keso at itlog na pula 5 year ago na ang nakakalipas thanks to white king :)
Bibingka white king mix ay pede ko pang bilhin sa filipino store pero ang puto bumbong hmmm.. kelangan gawin ( with full of heart and dedication hahaha ) at ito ay talagang ma-trabaho. Malay ko, baka mag-iba ang ihip ng hangin at makagawa ako ng sariling kong puto bumbong à la maison na walang bamboo stick steamer :(

No comments: