Wednesday, January 18, 2012

Japorms kuno

Aside from big coat, i have another essential things during winter. Ang aking winter bag na mala-channel look hahaha and mabalahibong boots grrrr...so cold even at home parang gusto kong laging umidlip ( katabi ni Mia ) at magkumot ng makapal. Kaso, dumating ang problema hehehe ang aking mumung bag ay nasira ang zipper ( mura lang kasi ) at ang kabibili ko lang na bota abay, mukhang mag-gu-goodbye na din! baket? kasi pinapasukan ng tubig sa loob kaya ang paa ko ay nilalamig at naninigas. Ang SOLUSYON? abay bumili ng bago habang SALEEE oo winter sale ngayon nung nakaraang wednesday pa January 11, actually nakapag-sale na ako kaso lang wala pa rin akong natitipuhan na kapalit ng aking nasirang bag at nababasang boots :)
red bag bought 17 euros from chinese boutique
black boots bougth 15 euros from another chinese boutique
Siguro magkamag-anak itong dalawang boutique na ito hehehe ang pangalan pa nga ng boutique nitong mga pinagbilhan ko ay CLARA ( kapangalan pa talaga ng anak ko ) well, obviously made in china almost ang mga items na binebenta nila. I have nothing against china made items ito lang talaga ang swak sa budget ko hehehe ( mahilig sa mura ) hindi ko pa kasi nabibili ang aking pinapangarap na australian boots . The bag hunting will continue habang sale and will be eyeing for a pair of good quality boots oh yeahhh :)

No comments: