Sunday, July 24, 2011

Cleaning aid

Ikaw ba ang adik sa paglilinis? well, ako hindi adik at lalo ng hindi maniac when it comes to cleaning hehehe kaya lang i must admit na adik ako sa produkto sa paglilinis tulad nalang ng aking nadiskubre na liquid cleaning aid na tinatawag na savon noir / sabong itim wag syang husgahan sa unang tingin dahil ito ay maitim hehehe ito ay super galing! :)
Carolin savon noir na mabibili sa grocery store at ang latest kong Marius Fabre na nabili ko sa drogerie ( excuse-me hindi ako nag do-droga hihihi ang drogerie dito pangalan ng tindahan kung saan pedeng makabili ng kahit anong gamit pang kusina like kaldero, sabon sa machine, piyesang pang kumpuni sa bahay, mga pang display at kung ano ano pang butingting pang-bahay.Bukod sa gamit kong suka, pang bleach ( tablet type), cream cleaning aid, ang sabon na itim na ito na multi-use ay naidagdag at naging angel ng aking paglilinis. Nadiskubre ko din nung ako ay napasyal sa truffaut ( bilihan ng mga halaman, pang garden at maging pagkain para sa pets ) para bumili ng pang-display sa garden nakita ko na meron din silang tindang marius fabre at ang dameng selections na mapagpipilian merong hand wash, solid soaps at kung anu-ano pang sabon na iba't-ibang scents :)
ang nalinis na kwintas kintab 
At para patunayan ang galing ng sabong itim ito ay pinanglinis ko din ng kwintas na namana sa aking biyenan. Sa kalumaan ito ay nagkaroon ng kulay berde ( na parang inamag sa tago ) pero ito ay nagbalik sa kintab na parang bago ulit ng dahil sa sabon ni marius fabre. Binasa ko lamang ang kapirasong tela na may sabong itim at ipinunas sa aking kwintas magic! effective talaga. uhhmm ang isang bote ay nagkakahalaga ng 8.50 euros 1 liter ( pedeng pang linis ng sahig, kusina, pang hugas ng pinggan, banyo, at pede ring panglaba sa machine ) Concentrated kaya magagamit ng pangmatagalan kahit na medyo mahal ng konti, and take note na ang product na ito ay environment-friendly. So para sa mga partikular sa paglilinis ito ay nababagay lalo na sa matindihang dumi kaya buy na. I-promote daw ba? well, ako i will try next time yung sabon para sa mukha at yung hand wash medyo me kamahalan pero i heard na ito ay mabisang makapampalambot ng balat at hindi nakaka-dry so masubukan next time :)

No comments: