Thursday, June 30, 2011

School ID photos

We need ID prints for Bibingclara's folder on this coming school year 2011-2012 kaso ang hirap picturan talaga ng mga bata. One day, i brought Bibingclara to the photo booth to try some shots. First booth cost 3 euros 4 copies ang resulta .....
                                                          take 1 ( donald duck smile )
Medyo nalito ang anak ko ang sabi ko kasi sa loob ng photo booth " anak ang hirap i adjust ng upuan tumayo ka nalang kasi di kita pede kandungin dahil masasama si mama sa picture " tapos ang sabi ko ulet " anak, lumuhod ka nalang kasi di maabot yung mukha mo sa screen" at ang sabi ko ulet " anak tumingkayad ka kasi di talaga kuha yung mukha mo sa linya" ang nakuha sa photo hehehe nguso nya hahaha ... natatawa ako habang nagsusulat ng post na ito. This photo made us really laugh. Nainis si Bibingclara at nginusuan ako hehehe :) Another take sa ibang photo booth naman medyo moderno
                                                                   take 2 ( serious look )
Tinangal ko ang barrette nya sa buhok pero hindi ko sinuklayan kinamay-kamay ko lang. Nung una ang laki ng pagkaka-smile nya hindi sya as in tawa look. Sabi ko nung una smile lang sya ng konti pero nag ma make faces sya so ang sabi ko wag na syang tumawa kaya iyan ang naging resulta very serious look hehehe costs 5 euros 5 copies. Ang naging ending nag print nalang ulet si Claudebiko ng picture ni Bibingclara na pinaliit nalang :)
                                                                     picture sa bahay
Oh di ba mas cutie pang toothpaste kumukutitap smile. Ang sabi ng directress nung pinasa sa school ang folder at nakita yung id ni Bibingclara, masayahing bata! hehehe gumastos lang ako sa photo booth hindi naman nagamit yung photos well, that's life! :)

No comments: