Thursday, April 7, 2011

T-shirt design

Huwebes - Plantsa day! napagdiskitahan ang aking aparador. Ang dami kong plantsahin! pantalon, t-shirts etc. etc... pero teka damit ko lang ha at hindi damit ni Claudebiko dahil nagsusuot naman sya ng hindi plantsadong damit hihihi. Naalala ko na meron akong sticker na idinidikit sa damit iyon bang pinaplantsa. itina transfer sa pamamagitan ng init. Actually matagal ko na itong binili at nung nagkalkal ako ng aming bookshelves ay natagpuan ko sya. Naalala ko din na meron akong plain shirt na nabili sa camaieu na pede kong pagdikitan nito kaya eto ang naging resulta :)
                                           ang dating boring na tunique long sleeve shirt....
                                                           dinikitan ng babaeng makintab......
                                                                 dyaran!.... ( teka ang liit )
                                                             eto closer look ....o di ba hot?
ginaya ko lang ito na kamukha nitong tshirt nato na nabili pa din sa camaieu 
Madali lang gawin basta sundan lang ang instructions mula sa packaging medyo maselan nga lang kapag nilabhan sa machine so kelangan labhan ito ng mano-mano :)

3 comments:

aprilyn.silvestre said...

haha...cute ng damit.. love it...:P

aprilyn.silvestre said...

..haha..cute ng damit.. love it..:P

Maruhya said...

ang cute noh? pero ang size hindi cute ang laki eh :)