Friday, April 29, 2011

Mia's hobby

I like looking at Bibingclara and Mia kapag sila ay nag bo-bonding lalo na sa pagkain. Si Mia ay likas na matakaw ( mana samin ) at kahit hindi mo sya tawagin siya ay kusang lalapit sa iyo lalo na't kapag me hawak hawak kang yoghurt sa iyong kamay. Mabilis ang pang amoy, katulad nlang nito na si Bibingclara ay nagmi miryenda isang hapon at si Mia ay biglang nalapit para simutin ang lalagyan ng yoghurt na pinag kainan ni Bibingclara :)
                                                     licking the pot of yoghurt on the spot
that's the favorite part of Bibingclara
( ang pakainin at hagisan ng pira-pirasong keso si Mia )
Ang laki na ni Mia ngayon sobrang bigat! ang daming kumain! hobby nya ang kumain at siya ay nagpapalaki pa. So far, ok naman ang kanyang health, di sya nagkakasakit. Lagi lang silang naglalaro ni Bibingclara at napansin ko din na madalang na nyang kalmutin ang aking unica hija! Di na sya katulad ng dati na kapag inistorbo bigla nalang syang aalis at saka nuon magaang pa sya at pede pa syang ihagis-hagis ni Bibingclara. Meron silang video na talagang gustung-gusto ko. Ito ay i-vinideo ni Claudebiko nung kame ay nasa bakasyon last year of july. So here it is :)
                         video
Dialogue : Mia, mia!!!
naintindihan mo?
kapag gumalaw ka papaluin kita
naintindihan mo? naintindihan mo?
Wag kang gagalaw! wag mong lunukin kaagad, nguyain mo
Mia!!! nguyain mo
No, hindi ka gagalaw! wag kang aalis
wag kang gagalaw, dito ka lang!
kain ka!
KUMAIN KA!!!
tigil! kumain ka! 
kain! MIA!!! 
kumain ka! tumigil ka!
dito ka lang
tingnan mo! Mia!!! mia!!!
See? nakakatuwa silang dalawa! nakikita talaga na ang anak ko ay may pinagmanahan bow! 

No comments: